※AWY◈14※

10 0 0
                                    

Blue Moon...

Araw ng linggo,halos ang mga pamilya ngayon ay magsisimba.Ngayong araw na ito ay magsisimba rin ang pamilya nila Lucy.Tuwing sabado't linggo ay walang pasok ang mga magulang ni Lucy kaya ito ang masaya nilang araw kung saan nagbobonding ang buong pamilya niya.Matapos makapaghanda ay pumunta na sila sa simbahan.Nagholy-water sila pagkapasok at agad na umupo at nagdasal.

"O Diyos ko!..Patawarin niyo po kami sa aming mga sala..At sana ay tulungan niyo po kaming mabayaran ang malaki naming utang" Dasal sa isip ni Mr. Stanley Park,tatay ni Lucy

"O Diyos ko!,Patawarin niyo po kami sa aming mga sala..Patnubayan niyo rin po kami araw-araw at sana'y may dumating na isang taong makakatulong sa amin upang mabayaran namin ang napakalaking utang namin!" Dasal sa isip naman ni Mrs. Haley Park,ang nanay ni Lucy

"O Diyos ko..Patawarin niyo po ako sa aking mga kasalanan! At sana po ay magkaroon ng signs kung sino ang lalaking para sakin para di na ako umasa ng umasa..Diyos ko kahit isang astronomical event lang!" Dasal sa isip ni Lucy

Pagkatapos nito ay umuwi na sila.Pagkauwi ay agad na nagpalit ng damit si Lucy para makakain na.Pagbaba,agad na nakaamoy si Lucy ng masarap na pagkain at agad na pumunta sa lamesa.Habang kumakain ay may narinig siya sa radio.

"Nagbabalik po ang DXQQ upang magbalita sa inyo.Balitang maiinit ayon sa PAASA ay masisilyan ang blue moon sa ganap na 6:00 ng gabi!..Masisilayan ito ng maliwanag sa iba't-ibang bahagi ng bansa!" Sabi sa balita

Biglang natulala si Lucy ng maalala niya ang hiniling niya sa Diyos na kahit isang:

Astronomical Event...

Astronomical Event...

Astronomical Event...

Astronomical Event...

Astronomical Event...

Bigla siyang sinigawan ng mama niya.

"Luuccyy!!..Bakit ka nakatulala sa hapag-kainan?!..Umaayos ka na nga"

Nang mahimasmasan ay bigla siyang napasigaw.

"Assstttrrrooonnnooommmiiicccaaalll Eeevvveeennnttt!!...Thanks Lord,I love you po talaga!"

"Astronomical Event??..Anong meron ba dun anak?" Tanong ng papa niya

"Wala po pa..May ipinagdasal ko po ito..Matagal-tagal na rin po kasing di ako nakakakita ng astronomical events,Di ba nga po mahilig po ako sa mga ganong bagay minsan po ay kasama ko pa kayong nanonood nun!!" Paliwanag ni Lucy na may halong pagtatago sa totoong dahilan

"Ah kaya pala!!..Aabangan mo ba ang blue moon?" Tanong muli ng papa niya

"Siyempre yun nga lang po baka sa school ko na po mapanood!..Pero Ma,Pa abangan niyo rin po ah!" Bilin ni Lucy

Napakasaya ngayon ni Lucy dahil sa dininig ng Diyos ang kanyang dasal.Agad niyang tinawagan si Trisha para ikwento ang lahat ng nangyari sa kanya ngayon.

"Trisha labas tayo..Libre kita!!" Masayang sabi ni Lucy kay Trisha

"Anong nakain mo at manlilibre ka aber?..May kailangan ka noh?" Tanong ni Trisha mula sa kabilang linya

"Manlilibre lang may kailangan na agad?!..Ano ka ba may ikukwento lang ako sayo!..Magkita na lang tayo sa Farewell Fast Food Chain! Mamayang 3'o clock!" Excited na sabi ni Lucy

Pagdating sa Farewell Fast Food Chain agad na umorder sila ng pagkain at nagkwento na si Lucy.

"Alam mo best...Nagsimba kami kaninang umaga at nagdasal,Humingi ako kay Lord ng sign para makilala ko kung sino na ang lalaking para sa akin!" Putol na kwento ni Lucy

Agreement With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon