Chapter 8: How It All Started (Part 1)

1 0 0
                                    

Eto pong chapter na to. Ay flashback lang po kung anong nanyare sa lovestory ni Xyla at ni Luhan at kung paano naapektuhan pati sila Suho.
-----------------------------

Third Person's POV

Mabilis na tumakbo ang isang binata na may pangalan na Luhan, papunta sa rooftop ng kanilang paaralan. Nang makarating siya roon sinalubong siya ng EXO na may malalaking ngisi.

''Kaya mo yan hyung, fighting!!!'' sabi ni Sehun.

Ngumiti naman siya at pumunta sa dulo ng rooftop kung saan sa paningin ng iba ay tatalon siya. Mula sa baba hindi sinasadya ni Xyla na napatingin sa taas.

"LUHAN, ANONG GINAGAWA MO DYAN????''sigaw niya.

Napatingin naman ang ibang estudyante sa kanya bago tumingin sa taas. Tulad niya iba-iba rin ang reaksyon ng mga ito.

''Oppa!! Wag kang tumalon!!!''

''Hyung!!! Masama magpakamatay!!!''

''Luhan, bumaba ka na!!''

''XYLA!!!!! WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?? PAG-BINASTED MO AKO TATALON AKO!!!!!'' sigaw ni Luhan.

"Sagutin mo na, Xy!!!''

''Waaaaahhh!!!''

Hindi alam ni Xyla ang kanyang nararamdaman kaya tumingin siya kay Aileen, ang bestfriend niya mula pagkabata.

''Ano, sasagutin mo ba siya??'' tanong ni Aileen. Tumango naman siya at sumigaw pabalik kay Luhan.

''OO PAYAG NA AKO!!!''

Napangiti si Luhan ng malawak at dali-dali bumaba sa rooftop.

''OMG, I'm so happy for you.'' Sabay yakap ni Aileen kay Xyla.

''Xy!!!'' Mabilis na niyakap ni Xyla si Luhan ng makita niya ito.

''Wag mo na ulit gagawin yun, ha??''

''Haha, opo.''

Niyakap ni Luhan si Xyla at hinalikan sa noo.

*****

Xyla's POV

Lately napapansin ko na nagiging mailap na sa akin ang bestfriend ko. Ganon din si Luhan minsan na lang magparamdam. Speaking of Luhan almost 3 months na rin kami and going strong.

''Xyxy, nakita mo ba si Luhan hyung??''

Lumingon ako at nakita ko si Suho.

''Hindi eh!!'' sabi ko.

Umalis na lang siya bigla. Ano nangyare doon? Mukhang problemado.

*Kriiiiiiingggg*

Nagbell ibig sabihin magsisimula na ang klase namin. Oh? Yung book ko nga pala sa Statistics nalimutan ko sa locker.

On the way ko sa locker maraming akong students nakakasalubong. Mostly lahat sila ay nagmamadali. Nang maratingko ang locker ko nahagilap ng mata ko si Aileen.

What? Anong ginagawa niya rito?

Nilapitan ko si Aileen at tinapik.

XOXO AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon