ENCHANTED 6: I will be here for you

3.1K 153 3
                                    


pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si bree. napaka amo ng mukha nya at halatang pagod na pagod sya.buti pa sya ang himbing na ng tulog pero ako heto obviously nagkekwento sa inyo. i close my eyes and try to sleep but it doesnt work kaya bumaba ako para uminom ng tubig sabi kase ni mom pag daw hindi ako makatulog ay uminom lang daw ako ng tubig.

nagtip toe ako papunta sa dining hall para hindi nila ako mapansin at para hindi rin ako makadistorbo.habang umiinom ako ay hindi ko maiwasang hindi tumingin sa buwan kahit kinikilabutan ako sa tuwing natingin ako.full moon kase ngayon at super laki at liwanag neto

"anong ginagawa mo dito bakit gising ka pa?!" 

"ay pusang kinalbo" muntikan ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa gulat at takot.napalingon ako at nakita ko si dale lang pala yon

" eh ikaw anong ginagawa mo dito bakit gising ka pa?!"

pagbabalik ko ng tanong nya

"wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko" walang emosyon nyang sabi

" sorry na , uminom lang ako ng tubig aakyat na rin ako"

"matulog ka na baka makita ka pa ni prof." sabi nya teka concern ba talaga sya sa akin?!

hindi na sya muling umimik at nilampasan nya ULIT ako.

at bumalik na sya sa dorm nya.nung nakaakyat na sya ay naisipan ko na ding bumalik aakayat na sana ako ng mahagip ng peripheral vision ko ang isang pamilyar na mukha tinitigan ko itong mabuti...

si mom!!nakatayo sya sa labas ng bintana at kumakaway sya at parang tinatawag nya ako.agad akong lumabas at sinundan sya pero wala akong nakitang bakas ni isa ni mom. inikot ko ang paningin ko kaya lang wala akong makita tanging nakikita ko lang ay ang kadiliman ng paligid.

"Long time no see Venice!!" boses ng isang lalake

nagpalinga linga ako pero hindi ko makita kung nasaan sya

"Hindi mo ba ako makita,gamitin mo ang kapangyarihan mo para makita ako" may bumulong sa tenga ko pero mistulang hangin lang iyon.lumingon ako sa likod ko pero wala namang tao

"sino ka ba? nasaan ka!! bat hindi ka magpakita, harapin mo ako!!" matapang kong sabi kahit sa loob ko ay gusto ko ng manghingi ng tulong pero hindi ko magawa dahil gusto ko ding malaman kung anong kapangyarihan ko o kung mayroon nga talaga ako non.

nanlaki ang mga mata ko ng lumitaw sa harapan ko ang isang pamilyar na lalake...siya si...

"K-kade?!" nauutal kong tanong.tama sya yon,sya yung sumakal kay rushchyella hindi ako pwedeng magkamali dahil may tatoo sya ng werewolf sa leeg nya.

"nakikilala mo na ba ako venice HAHAHAHA" tumawa sya ng parang demonyo

mas nagulat ako ng bigla syang nagbago ng anyo naging isa syang.....werewolf. nanlambot ang tuhod ko. umuungol sya ng napakalakas kaya napatakip ako sa aking tenga.

Tumakbo ako papalayo sa kanya.shet mas binilisan ko pa ang takbo dahil bukod sa mabilis sya ay mabangis sya.mukha syang asong naulol dahil naglalaway sya.inilabas nya ang matatalim nyang mga pangil na kung sino ang biktima nya ay siguradong magiging lasog lasog ang katawan.at obviously ayokong maging lasog lasog.

hindi ko alam kung saan ako tumatakbo basta ang mahalaga makalayo ako sa kanya.tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa akin.

"SHET!!ARAY!!" napahawak ako sa ankle ko ng matapilok ako.shet namamaga!pano to.lumingon ako at nakita ko ang asong lobo na malapit na sa akin.kahit iika ika ako ay tumakbo pa rin ako.

Enchanted Academy:The school of fantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon