ENCHANTED 11: Beginner's luck

2.5K 122 1
                                    


"kalabanin mo sila"

"ANO?!"my mouth flew open.naririnig nya ba sinasabi nya!!

"youre joking right? haha"i fake a laugh.

I was stunned there.parang tumigil ang aking paghinga.nakatitig lang ako sa kanya at ganun din sya.natatakpan ng buhok ang mga mata nya pero makikita mo pa rin ang pagkagray ng mga mata nya.

"Im dead serious Venice" malamig ang mga boses nya.

gulp.I cleared my throat."NO!aalis na ko. im leaving!"pagmamatigas ko  at tumakbo papunta sa pintuan.

napahinto ako ng biglang umihip ang malamig na hangin

dahilan para sumarado ang kanina lamang bukas na pinto.

kinatok at kinalampag ko ang pinto but nothing happened.geez.

naramdaman ko ang paglapit nya sa akin

"stop being such a hardheaded girl venice"

"pero hindi ko pa kontrolado ang kapangyarihan ko para labanan sila" sabay tumingin ako sa mga taong bakal.ginulo nya ang buhok nya at huminga ng malalim

"para saan pa to...at ito" itinaas nya ang kamay kong may hawak sa sword at sa shield

"...kung hindi mo gagamitin,tanga"

"pero--"

"simulan na natin" hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sya sa paglalakad pabalik sa pwesto nya kanina

bigla namang nabalot ng dilim ang buong kwarto.tanging ilaw na nangagaling sa ilang torch ang nagbibigay liwanag sa akin.

nakita ko siya sa isang malayong sulok ng kwarto habang kagat ang sigarilyo at pinapanood ako.

Nabalik ako sa senses ko ng biglang lumaglag ang isang rehas na bakal na nakapalibot sa akin at sa mga taong bakal.ngayon ay kami na lang ang nandito at wala ng atrasan to.nakatayo ako sa gitna at pinalibutan nila ako.mas hinigpitan ko ang hawak sa sword ko at nakita ko ang sarili ko na tumatakbo palapit sa isa sa kanila.sinugod ko sya at itinutok ko agad sa ulo nya ang hawak ko pero nasangga nya.mas mahirap pa to sa inaasahan ko.

Tanging tunog ng nagbabanggaang metal ang naririnig ko.

sinugod ko muli sila pero sa ikalimang pagkakataon ay nasangga nila ito dahilan para tumalsik ang hawak ko.

tumakbo ako para pulutin ito.hindi ko pa nahahawakan ang armas ko ng may naramdaman akong bumaon sa balikat ko.napapikit ako sa kirot na nararamdaman ko.isang pana,nakabaon ito sa laman ko at tumutulo ang dugo hanggang sa siko ko.naramdaman ko ang pagkirot nito pero kailangan kong labanan dahil baka hindi lang ito ang abutin ko.hinugot ko ang pana at itinapon.

tumayo ako at ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay galit.umilaw muli ang mga mata at ang amulet ko.ang galing!

sumugod ako at isa isang pinugot ang kanilang mga ulo.

itinusok ko ang hawak kong sword sa sahig at agad na nagliyab ang buong paligid.napahawak muli ako sa balikat ko na ngayon ay timigil na sa pagdudugo.

napaluhod ako at tuloy tuloy na tumulo ang luha ko.

ang galing ko!nagawa ko! napangiti ako habang parang tangang naiyak doon.

-

nakatayo lang ako sa gitna.nawala na ang apoy sa buong paligid.naglaho ang mga rehas at ang mga kawal pero hindi pa rin maialis ang madilim na atmosphere sa paligid.parang bang walang nangyari kanina.naglaho rin si dale ni hindi ko alam kung nasaan sya ngayon.

Enchanted Academy:The school of fantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon