ENCHANTED 2: Tour in the Academy

5.9K 173 0
                                    

Naglakad lakad ako sa loob ng academy na 'to. It's so weird talaga.

Ang bigat ng atmosphere saka kanina pa ako naglalakad, wala pa rin akong nakikita na kahit anong bakas ng school dito. Yung totoo school ba talaga 'to?

Ang ganda para syang paradise. Andaming halaman at nakakabighani at nakakaamazed dahil ang mga halaman dito ay hindi ko pa nakikita sa mundo ko.

*kleng*

*kleng*

Huh? Pati ba naman sa gubat may nagtitinda ng ice cream? Agad akong lumingon lingon at nakita ko ang isang itim na pusa na may nakasabit na bell sa leeg nya. Ayun pala yung tumutunog?

Kakaiba ang mga mata ng pusang itim na iyon, magkaiba ang kulay ng mata nya. Ang isa ay royal blue at ang isa naman ay emerald green. Ang ganda! Nakatitig sya sa akin na para bang sinasabi nya na sundan ko sya. Maya maya ay may naramdaman akong napigtal sa leeg ko at nakita ko ang amulet na bigay sa akin ni Dad na dala nung pusa kaya agad ko syang hinabol.

"Ha ha ha nasaan na ba yun nagsuot arghh" Hingal kong sabi sabay kamot sa batok ko. Ang bigat pa ng dala ko kainis.

"Aha! Ayan ka pala. Wala ka ng kawala sa aking pusa--AHH!"

Ang dilim, bakit ang dilim? Wala na bang katapusan 'to?

"Ahhh" Patuloy ko pa ring sigaw hanggang sa bumagsak ako sa isang matigas na bagay then everything went black.

***

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya iminulat ko ang mga mata ko.

Teka nasaan ako?

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakakita ako ng isang malaking fire place at isang malaking salamin na napalilibutan ng emerald and royal blue na gemstones. Kitang kita mo ang kinang dahil napakakinis ng mga ito.

"Gising ka na pala Venice"

Tinig ng isang babae na nakatalikod na nakaupo sa harap ng fire place. Teka paano nya nalaman ang pangalan ko?

Maya maya ay tumayo sya at humarap sa akin.

OMO. Ang ganda nya sobra, mga nasa mid 30 na sya yet ang kinis nya. May mala anghel syang mukha at waist length na kulay blonde na buhok. Ganda nya diba noh, pero mas maganda ako syempre. Chos.

"Sayo ba ito" Then iniabot nya ang locket ko. Nakita ko namang tumalon ang pusang itim sa balikat nya. Yun pala yung pusa.

"Ah salamat. Nasaan ako? bakit wala akong maalala"

Ngumiti muli sya. Nako, wag kang ngumiti baka matibo ako.

"That is because nasa enchanted academy ka na at unti unti ng mawawala ang mga ala-ala mo sa past. Im Agatha the president of enchanted academy"

"Nice to meet you" At nakipag shake hands ako sa kanya. Teka bakit ganon may naramdaman akong kakaiba, biglang sumakit yung ulo ko. Fuck. Kaya naman agad ko ng kinuha ang kamay ko.

"Ah sorry. Welcome to Enchanted Academy. Si Ms.Breeanah Wifflein at Ms.Crescentalaine Scott na ang magtotour sayo sa Academy"

"Nice names" nginitian ko sila tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko then nagsimula nila akong itour sa buong E.A.

"Saan mo gustong mauna sa mga classrooms o sa mga dorms" Pagtatanong sa akin ni Bree.

"Sa dorms na lang muna"sabi ko then umakyat na kami sa mga dorms.

"So Ven ito ang mga dorms natin hiwalay ang girls sa boys

sa loob ng dorms ay merong three beds,3 shower rooms,three bath tubs,and 3 jacuzzi, 3 saunas and 1 big swimming pool at kami ang magiging dormates mo yay!!" ven?! ano ako venn diagram tch. my mouth flew open dorm pa ba talaga to parang mall or should i say parang isang napakalaking resort psh.

Enchanted Academy:The school of fantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon