ENCHANTED 17:'Je suis de retour'

2K 84 0
                                    

***

Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad sa madilim na gubat. Palayo kung saan ako nakaupo.Tiningnan ko ang grand hall kung saan nagmumula ang kakarampot na liwanag.Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga sunog na damo na kasalukuyan kong kinauupuan.

Nanatili ako doon ng mga ilang minuto bago ko napagpasyahang tumayo dahil sa kakaibang pakiramdam na parang may nagmamasid sa akin.Ng makatayo ako ay pinagpagan ko ang gown na suot ko at inayos ang sarili ko.Hahakbang na sana ako ng may marinig akong mga kaluskos sa bandang likuran kasabay ang malamig na simoy ng hangin na unti unting nanunuot sa balat kong tinatakpan ng manipis na tela.

"May tao ba dyan?" Nanginginig kong tanong ngunit walang sumagot bagkus naging sunod sunod ang pagkaluskos at parang yapak sa mga tuyong dahon ng gubat.

Napasinghap ako ng may biglang dumaan.Masyado itong mabilis kaya hindi ko namalayan ang pagdaan nya.Nasa isang puno sya alam ko.

"Sino ka ba?magpakita ka"

Sigaw ko habang nagpalinga linga sa mga puno at duon nakita ko sya sa gilid ng isang napakalaking puno.Red cloak.Naka suot sya ng isang pulang mahabang damit na halos sumayad na sa lupa at hood na halos matakpan na ang mukha nya.Napaatras ang mga paa ko ng lumapit sya sa akin ngunit hindi ako doon mas kinabahan.kundi sa mga pula nyang matang nanlilisik sa kabila ng kadiliman ng paligid.

"'je suis de retour.Empress.Je suis de retour."

"Ano bang sinasabi mo?Venice ang pangalan ko!"

nagsimulang mangatog ang tuhod ko.At alam ko anytime pwede akong matumba so I search for something to hold on to at doon ko nakita ang isang malaking puno sa di kalayuan.dali dali kong itinukod ng mga palad ko doon.

"Maligayang pagbabalik.Elie."

"Tumigil ka na!!parang awa mo na!"Tinakpan ko ang dalawa kong tenga at hinawakan ang aking ulo.Isang pamilyar na kanta ang nagplay sa utak ko.tunog na nanggaling sa isang music box.Isang antigong music box.

Muli ko na namang narinig Ang pangalang Empress Natalie.Ano bang meron sa pangalang iyon?Bakit parang konektado ako sa taong yon kung sino man sya.sino ba talaga ako?ano nga ba ang buong pagkatao ko?

"Hindi ako pwedeng magkamali.Ikaw...Ikaw ang dahilan.Hindi kita mapapatawad"

Isang puting usok ang bumalot sa buong paligid at pagmulat ko ng mata ko ay wala na sya.Hindi na ako nag intay ng kung ano at mabilis na tumakbo palayo doon.

Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto namin at sumandal sa pinto.Pilit kong pinakalma ang sarili ko.Nanginginig ang mga binti at kamay ko.Hindi ko na napigilan ang pag collapse ng sarili kong katawan .Napaupo ako at niyakap ang mga tuhod ko.

Am I hallucinating?Paranoid na ba ako?Guni guni ko lang iyon diba?.Hindi iyon totoo.Tama.Wala akong dapat ikatakot.

Mariin kong ipinikit ang mata ko bago bumuntong hininga.

Mga ilang minuto rin akong nakatulala sa kisame ng bigla akong nakaramdaman ng pagbigat ng mga talukap ng mata ko at ang kusang pagpikit nito.

***
Teka anong ginagawa ko sa lugar na to?Parang pamilyar ang tagpong ito.saan ko nga ba ito napanood?

Nakita ko ang isang bata sa may parke.Maraming bata ang nakapalibot sa kanya at binabato sya ng kung ano ano.Hindi nya iyon pinansin at nagpatuloy sa pag iyak.

Enchanted Academy:The school of fantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon