ENCHANTED 31: New member?

1.3K 46 4
                                    


First of all,Sorry dahil hindi ako nakapagupdate last thursday.Super busy lang talaga so I hope you'll understand.I'll try to update two chapters this week.Peace offering kumbaga.

Salamat sa lahat ng matyagang nagiintay ng update.More than 10k na tayo guys!*claps* Salamat dahil hindi nyo sinusukuan ang storyang to kahit minsan-I mean palagi pa lang boring ang update lalo na nung nagsisimula pa lang ang storyang to.

^__^At sa lahat ng hindi natatakot magcomment.So far,marami Na ang nagcocomment.Great!Atleast hindi na tayo silent reader dibuh?

Dedicated nga pala kay CaitlynPrecious_6401.At sa iba pang nagcocomment.Nababasa ko ang comments nyo at nakakatuwa lang.Andami nyong insights at wahaha oo nakalimutan ko na talaga ang boyfriend ni Venice.Hayaan mo susubukan kong isama ang pangalan nya sa isang chapter.haha.

Sige na.Hanggang sa muli,Enchanters!

~~SandengManunulat...signing out ~~  *Poof*

***

Enchanted 31:

Nagising ako kinabukasan na masakit ang katawan.Buong gabi ako umiyak ng umiyak at pasikat na ang araw ng makatulog ako.Wala rin akong lakas para tumayo kaya nanatili akong nakatitig sa kisame.Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa dormitory kagabi dahil pagkatapos ng nangyari ay tumakbo na ako palayo.Ni hindi ko namalayan na umiiyak na ako at tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mata ko.Naiiinis ako sa sarili ko.Ni hindi ko man lang nagawang pigilan ang pag alis ni Cloud. Kinamumuhian ko ang sarili ko.

Guilt hits me damn hard.Cloud have been so nice to me kaya napakaimportante nya sa akin.Wala naman talaga akong balak na injanin sya kagabi pero letche!Si Dale kasi!Bwiset!Masisisi nyo ba ako kung ginusto ko lang namang tulungan si Dale?Bwiset kase sya!Kung ginamit nya sana ang utak nya at hindi sya sukat dumungaw dungaw sa bangin edi hindi ko sana sya pupuntahan!Hindi sana kami magkakausap at hindi nya sana ako hahalikan!At hindi sana kami makikita ni Cloud!Grabe!Dinaig ko pa ata pumatol sa may asawa.Ilang beses akong napapamura kapag naaalala ko iyon.Pag nakita ko talaga sya itutulak ko talaga sya sa bangin una ulo!Take note.Letche!

Napapikit ako ng mariin ng gumuhit ang kirot sa ulo ko. Mukhang nasobrahan ata ako kakaisip ng mga bagay bagay. Napamura nanaman ako at sukat sumigaw na ako.Napahawak ako ng mahigpit sa headboard ng kama.I can endure pain but this one is fuckin different.Parang naghaharlem shake ang utak ko,sabay hawak nya ay chainsaw.Kung pwede lang sanang tanggalin ang ulo ko kanina ko pa ginawa.Fuck this hangover.

I silently cursed ng may maalala akong dapat kong gawin.May group meeting nga pala kami sa dining hall.Napabalikwas naman ako ng tayo muntikan pa nga akong matumba dahil sa biglaan kong pagtayo so i search for something to hold on to.Wala na talaga sana akong balak bumangon kaya lang nabasa ko kanina ang sulat ni Ms.Agatha na magkakaroon ng meeting ang buong members ng sasali sa combat Eventura.Kahit pupungas pungas pa ako ay binasa ko iyon And she said na kinakailangan kumpleto kami para mabrief kami sa mangyayari sa tournament.Ayon kase sa latest announcement na narinig ko sa tuesday na kami babyahe papuntang bayan ng Vindara.Today was sunday so we only have two days to prepare.

At kung handa na ako?Aba Syempre!

Syempre...HINDI! -___-

Gustuhin ko mang magbackout pero sigurado namang hindi sila papayag.I have no choice either.Sana lang wala si Dale at Cloud sa dining hall.Please lord!Ayoko muna silang makita.Baka tuluyan ko na talagang lamunin ang sarili ko dahil sa kahihiyan.Gustuhin ko mang hindi sila makita alam kong hindi mangyayari iyon. Nagaaral kami sa iisang paaralan,kumakain kami sa iisang hapagkainan,at pareho kaming kasali sa laro.Sabi nga nila 'Its a small world Afterall'. Sabihin nyo nga?Paano ako iiwas?

Enchanted Academy:The school of fantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon