Prologue

1.4K 10 1
                                    

Hello :)) This is my first time to write a story here in wattpad. Sana po suportahan niyo ko.

Vote or Like or Comment or Become a fan or

all of the above!!! ^__^

** d' une18 **

PROLOGUE

Maganda ang panahon ng araw na iyon. Maganda ang sikat ng araw, waring nang aanyaya na lumabas siya at damhin ang init na hatid ni haring araw. Malamig ang hanging dumadampi sakanyang balat. Napakapayapa ng mga ulap. Kaysarap tingnan ang mga talulot ng bulaklak na nililipad ng hangin. Kaysarap pakinggan ng huni ng mga ibon. Naeenganyo din syang tumakbo kasama ang mga usa na natatanaw niya buhat sa bintana ng kanyang silid. Dahil sa kagandahan na kanyang natatamasa ng araw na iyon, napagdesisyunan ng mahal na prinsesa na lumabas sa palasyo para mamasyal. Bibihira lamang siyang nabibigyan ng pagkakataon na makapamasyal sapagkat masyadong mahigpit ang kanyang amang hari. Parating nais nito na mamalagi lamang siya sa loob ng palasyo. Ang mga kawaksi lamang ang gusto nitong ipakausap sakanya. Tuwing siya ay nababagot at maganda pa ang panahon sa labas, nakakaisip siya ng kapilyahan. Lingid sa kaalaman ng ama, maraming beses na niyang tinatakasan ang kanyang mga bantay, tulad ng araw na iyon.

            Masayang masaya ang prinsesa at nakalabas na naman siya ng palasyo. Ngunit may halong lungkot din ang kanyang kasiyahan sapagkat kapag nalaman ng kanyang ama na nakalabas siya ng palasyo tiyak na ang kanyang mga bantay ang mapagbubuntungan ng galit ng kanyang amang hari. Kaya naman, gayun na lang ang kanyang pag-iingat na hindi mahuli nito. Sayang ang ganda ng panahon kung magmumukmok lamang siya sa kanyang silid. Lagi na lamang siyang nagtataka kung bakit ba ikinukulong siya ng ama sa palasyo. Hindi ba nito gusto na masilayan niya ang ganda ng mundo? Bakit niya ipinagkakait na makakita siya ng magagandang bagay na alam niyang makakapaghatid ng ligaya sakanya? Ngunit dagli rin niyang binura ang mga katanungan sakanyang isip. Malamang na gusto lamang ng kanyang ama na protektahan siya. Delikado nga naman kung lalabas siya ng palasyo. Hindi siya ordinaryong mamamayan lamang. Isa siyang prinsesa. Maraming magtatangka sa buhay niya. Kahit na tahimik at walang krimen sa kanilang kaharian, di pa rin sila nakasisiguro na wala ngang masasamang tao.

            Kapag lumalabas siya ng palasyo ay nagbabalat-kayo siya. Walang dapat na makaalam ng tunay niyang pagkatao. Kung may makakakilala sakanya, tiyak na isusumbong siya sakanyang ama. Mahirap na, baka mas lalo siyang pabantayan nito at lalo siyang hindi na makalabas sa apat na sulok ng kanyang kwarto. Malakas man ang loob na lumabas ng palasyo, ayaw pa rin niya na lumabas ng mag-isa. Kapag namamasyal siya ay isinasama niya ang matalik niyang kaibigan na isa din sa mga taga silbi niya, si Sire. Kahit kailan ay hindi siya nito pinabayaan. Labag man sa loob nito na palabasin siya at suwayin ang kanyang ama ay wala itong magawa. Hindi kasi nito kayang  iwan siya na mag-isa.Nag-aalala ito sa maaring mangyari sa kanya sa labas ng palasyo. Hindi nito alintana ang mangyayari sa kanila, lalo na sa kanya kung malalaman ng hari na tumatakas sila. Gaya niya ay nagbabalat kayo din ito. Sa mga pagkakataong gaya nito ay iniisip nila na isa lang din silang ordinaryong mamamayan.

            Namasyal muna sila sa bayan. Gustong- gusto ng mahal na prinsesa na makisalamuha sa mga ordinaryong tao. Nakikipagtawaran ito sa mga tinder kapag may gusto itong bilhin, gaya ng araw na yon. “Ginoo, magkano po ba ang isang piraso ng mansanas?” tanong ng prinsesa sa tindero. “3 pilak na lamang para sa iyo magandang binibini.” “Pwede po bang 2 pilak na lamang ang bawat isang piraso?” “O siya sige.Ilan ba ang kukunin mo?” “Dalawa po.” Sagot ng mahal na prinsesa. Ibinalot na ng ginoo ang dalawang piraso ng mansanas at iniabot sa mahal na prinsesa. Inabot ng mahal na prinsesa kay Sire ang isa. “Salamat mahal na prinsesa. Kamahalan, ako po’y talagang kinakabahan na sa mga pinaggagawa ninyo. Paano kung mahuli tayo ng mahal na hari? Tiyak na malaking kaparusahan ang nakaabang sa atin.” Kinakabahang pahayag ni Sire. “Huwag kang mag-alala Sire, nag-iingat naman tayo. Walang makakakilala sa atin. Magtiwala ka sa akin.” Tumango tango na lamang si Sire kahit nababakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. “Ngumiti ka naman dyan. Sayang ang ganda ng panahon. At siya nga pala, wag mo kong tawaging mahal na prinsesa o kamahalan. Baka may makarinig sa atin. Lagot tayong dalawa. Hmm… Ano bas a tingin mo ang babagay na pangalan sa akin?” Saglit na natahimik ang mahal na prinsesa at nag-isip. Maya-maya ay nakaisip na siya ng pangalan. “Tama! Ada na lamang ang iyong itawag sa akin.” Walang nagawa si Sire kundi sumang-ayon sa mahal na prinsesa.

A Princess and a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon