CHAPTER 3- Panaginip

138 3 0
                                    

Oh huh.. Dahil may isang nagpatuloy sa pagbabasa ng story ko.. Maguupdate na ko kahit inaantok na.. HEHE :D

Sana magustuhan mo pa din ito at sana patuloy mong basahin til the end.. Comment naman kayo para makilala ko kayo.. idededicate ko yung ibang chapter sa inyo kahit di niyo sabihin.. hehe ^_^

Oh sya chapter 3 na :))

CHAPTER THREE 

Maganda muli ang panahon kaya naman naisipan ng prinsesa na lumabas muli ng palasyo. Kasama si Sire ay nagbalak muli sila na tumakas. Ngayon ay desperadong desperado siya na lumabas. Bukod sa panahon ay parang may bumubulong sa kanya na lumabas at magtungo sa bayan. Madali lang silang nakatakas ni Sire. Agad silang nagpunta sa bahagi ng bayan kung saan huli niyang nakita ang lalaki. Unang kita pa lang niya dito ay magaan na ang loob niya ngunit hindi niya alam kung bakit. Hindi nga sila nabigo. Maya-maya ay namataan niya ang lalaki. Nuon niya napagtanto na hindi niya pa alam ang pangalan nito.

“Ginoo!” tawag niya rito. Lumingon ito at ngumiti ng makita siya.

 “Binibini nagkita muli tayo.”

“Oo nga, ano nga pa lang pangalan mo ginoo?”

“Ako si Leo. Hindi ba’t Ada ang pangalan mo?”

“Oo. Ano nga palang ginagawa mo dito?”

 “Hinahanap ko ang mga kapatid ko. Umalis na naman sila ng walang paalam. Teka nagugutom na ako, gusto mo bang kumain muna?”tanong nito sa mahal na prinsesa.

“Sige.” Pagpayag niya. Nang nasa loob na sila ay muling nagtanong ang prinsesa. “Saan nga pala kayo nakatira?”

“Doon sa may burol. Gusto mo bang sumama sakin at mamasyal doon?”

“Pwede ba?” tanong ng prinsesa. Hindi maitatago ang saying nararamdaman nito. “Oo naman. Basta ikaw. Napakaganda mo. Alam mo ba yun?” May nakapaskil na pilyong ngiti sa mga labi nito. Namula naman ang prinsesa.

“Salamat.” Umalis na sila sa lugar na iyon at tinahak ang daan papunta sa burol.

Pinagpapawisan ng malamig si Cess. Muli ay dinalaw na naman siya ng panaginip na iyon. At hanggang ngayon ay hindi pa din niya nakikita ang mukha ng lalaki. Naguguluhan na talaga siya. Sinulyapan niya ang orasan. Alas nuebe na ng gabi. Napahaba pala ang tulog niya. Bumangon siya at kinuha ang mga notes niya. Nagbasa-basa hanggang sa makaramdam ulit siya ng antok. Nang muli siyang magising ay alas singko na ng umaga.

“Himala mahal na prinsesa, nagising ka ng maaga na hindi ka na kailangang gisingin pa.”

“Nay naman. Ang aga-aga pa ngawa na kayo ng ngawa dyan.”sagot niya sa ina.

“Aba’y alangan. Hanggang ngayon parang elementary student ka pa din na lagi na lang ginigising. Hindi dapat ganyan ang ugali ng isang prinsesa.”mahabang litany ng kanyang ina. “Opo.” Maya-maya pa ay nasa bahay na nila si Kat-kat.

 “Bru! Sabi mo maghuhuntahan tayo kahapon? Bakit di ka sumipot?”

“Pasensya na bru, sumama kasi ang pakiramdam ko. Mamaya na lang tayo magkwentuhan.” Sumang-ayon naman ito at umalis na sila ng bahay.

Tila lumalalim na ang nararamdaman ko sa lalaki sa aking panaginip kahit hindi ko nakikita nag mukha niya.

 “Ms. Castillo, nandito ka pa ba sa loob ng classroom? Aba’y importante itong pinag-uusapan natin.” Napahiya na naman siya kaya inayos na niya ang kanyang isipan. Hanggang matapos ang klase ay hindi na sumagi sa isipan niya ang lalaki sa kanyang panaginip. Pagkatapos ng kanyang huling klase ay lumabas na siya ng school nila. Papunta siya sa lugar ng kanyang pinagtatrabahuhan. Kailangan niyang magreport ngayon dahil hindi siya nakapasok kahapon. Pagpasok pa lamang niya ay sinalubong agad siya ng manager niyang sobrang sungit.

 “Hoy babae. Hindi ka prinsesa dito. Bakit hindi ka pumasok kahapon?” sita sa kanya ng manager niya.

 “Sorry po ma’am masama po kasi ang pakiramdam ko kahapon e.”

“Masama nga ba ang pakiramdam o tinatamad ka lang? Hanla sige, magbihis ka na. Tandaan mong dalawang absent na lang at tatanggalin na kita sa trabaho. Feeling regular ka.” Yamot man ay hindi niya ipinahalata. Kahit kasi pagbaligbaliktarin mas mataas pa din ang posisyon nito kaysa sa kanya kaya naman sumunod na lamang siya. Pagpasok niya sa locker room ay dun niya inilabas ang sama ng loob niya.

“Hmp! Akala mo naman napakaganda niya. Kung hindi lang naman niya nilalandi ang owner hindi siya magiging manager. Ang sungit-sungit niya, buti nga at nakakatagal pa kami sa ugali niya. Akala mo kung sino. Nakakainis!” Nagkandahaba pa ang nguso niya nang dumating naman ang katrabaho niyang si ER.

“Oh, ano na naming ipinagpuputok ng butsi mo dyan?”tanong nito.

“May iba pa bang dahilan? Syempre si Madam Emelita at wala ng iba.”

 “Hay naku, tama na yang pagmamaktol. Magtrabaho na lang tayo.” At lumabas na nga siya ng locker room. Paglabas niya ay sinalubong agad siya ng manager.

“Hoy Cess, kunin mo yung order ni Mr. Papable sa table 4.”

“Yes Ma’am.” Hindi niya agad ito namukhaan sapagkat nakatungo ito at nagbabasa ng magazine.

“Sir, ano pong order niyo?” tanong niya sa lalaking costumer. Nag-angat ito ng paningin at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Gulat na gulat si Cess ng napagtanto niya kung sino ang kanyang kaharap. Walang iba kundi si Prince. Nang wala pa ata itong balak na magsalita ay inulit niya ang kanyang tanong.

“Sir, ano pong order niyo?”

“Give me 1 cup of cappuccino please.” Sagot nito at ibinalik na ang tingin sa binabasang magazine. Tatalikod n asana siya ng muli itong magsalita.

“Bakit wala ka sa practice kanina?” Nagulat siya at hinarap niya ito muli.

“Practice? Anong practice?” “Hindi mo ba alam? I thought your teacher had already informed you. Ikaw ang gaganap na prinsesa sa play natin para sa foundation day.” Malamig na wika nito. Gulat na gulat siya sapagkat walang nababanggit na play sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng tinawag na siya ng masungit nilang manager. Umalis na siya at lumapit sa counter. Muli ay tinawag siya ng manager para ihatid ang order ni Prince na cappuccino. Lumapit siya kay Prince at saglit na inabala. “Sir, eto na po ang order niyo.” Tiningnan siya nito at nagpasalamat.

“May iba pa po ba kayong order sir?” Magalang na tanong ni Cess.

 “Wala na. And by the way, may practice tayo bukas ng alas tres ng hapon. At since may trabaho ka excuse ka. Pero dapat ay alas singko ng hapon ay nasa room 214 ka na. Dun tayo magpapractice.” Tango na lamang ang kanyang naisagot. Hanggang nang makabalik siya sa counter ay taking-taka pa rin siya. Ano bang practice ang sinasabi nito? Bakit wala siyang kaide-ideya sa bagay na yun? Nagkibit-balikat na lamang siya. Wala ng sassay kung tatanungin niya ang kanyang sarili. Wala naman siyang mapapagtanungan at wala ring sasagot sa kanya. Bukas ay malalaman naman niya kung anong ibig sabihin nito. Pero bago siya magpunta sa lugar na pinagpapraktisan ng mga ito ay pupuntahan niya muna ang magaling niyang teacher.

A Princess and a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon