Chapter 6.1 Oo, tayo na

124 3 0
                                    

CHAPTER SIX

“Nandito na tayo Ada.” Nakangiting wika ni Leo. “Ang ganda nga dito sa lugar niyo. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar.” Pumikit pa si Ada para samyuin ang preskong hangin. “Halika, pasok kayo sa munti naming tahanan.” Nagpatianod naman silang dalawa ni Sire. “ Anong gusto niyong inumin?” untag ni Leo sa kanila. “Huwag mo na kaming pagkaabalahan pa. Ayos lang kami.” Sagot ni Sire dito. Maya-maya pa ay dumating na ang mga batang sina Seles at Rolo. Tuwang-tuwa ang dalawa at hindi na napigilan ang sarili na yakapin ang isa’t-isa. “Ate Ada! Mabuti naman at napasyal ka. Matagal ka na naminh hindi nakikita. Kahit si kuya ay gustong-gusto ka nang makita.” Kwento sa kanya ng makulit na si Rolo. Tumalikod na lamang si Leo at pumunta sa kusina. “Kaw talagang bata ka. Naakadaldal mo” sabi ni Ada kay Rolo. Nakakita si Ada ng asul na paroparo. Gandang-ganda siya sa nakita kaya nagpaalam siya sa dalawang bata na lalabas muna. Sinundan niya ang paroparo at nang dumapo ito sa isang bulaklak ay nakita niya na sa buong paligid ay puro bulaklak. Namangha siya sa nakita. Iba’t-ibang bulaklak ang mayroon doon. Nagulat pa siya ng hanapin niya ang bahay nina Leo. Medyo maliit na iyon tanda na may kalayuan ang kinatitirikan nito. Gayunpaman, hinayaan muna niya ang sarili na magsayaw sa hangin habang may lumilipad na talulot ng mga bulaklak. Sa sobrang abala ay hindi niya namalayan ang isang bultong papalapit. Nang muntik na siyang matumba dahil hindi niya napansin ang nakausling ugat ay sa matatag na braso ng lalaki siya bumagsak. Tiningala niya ito. “Leo!” gulat na gulat pa ang prinsesa. “Ako nga mahal na prinsesa. Wala ka kasi sa bahay kaya hinanap kita. Nag-aalala ako nab aka kung mapano ka.”nakangiting wika nito. “A-alam mo… na ako ang prinsesa?” kinakabahang tanong nito. “Oo naman. Kahit magbalat-kayo ka ay makikilala pa din kita. Nakikilala ka ng puso ko. Hindi mo pa ko nakikita’t nakikilala ay mahal na kita.” Nabigla ang mahal na prinsesa sa ipinagtapat na iyon ni Leo. Parang hindi totoo. Gayunpaman ay masaya siya. Nag-umpisa na silang maglakad dahil oras na para umuwi.

“Dinalaw na naman ako ng weird kong panaginip na iyon.” Papungas pungas pang wika ni Cess. Bumangon na siya at inayos ang hinigan ng may maalala siya dahilan para mapangiti.

“Sayang! Hindi kami ang nagkita ni Prince sa panaginip.” Kilig na kilig pa si Cess habang yakap ang teddy bear na bigay ni Prince sa kanya.

“Hoy mahal na prinsesa! Kay aga-aga pa kinakausap mo na ang sarili mo! Ayokong magkaroon ng anak na baliw!” sigaw ng nanay niya. Lumabas siya ng kwarto at pinuntahan ito sa kusina. “’Nay naman! Napaka OA mo talaga. Hindi naman ako baliw e. Masaya lang ako.”katwiran niya sa ina.

“Bakit ka naman masaya? Dahil sa Prince na ‘yon? Aba’t akala ko ba kay Prince Harry ka papatol? Sa isang magbubuko mo lamang ba isusuko ang pangarap nating dalawa?” Natigilan siya. Kay Prince nga lang ba? Handa ba siyang isuko ang pangarap niya dito? Hindi siya nito kayang bigyan ng maalwang buhay. Nakapag-isip-isip siya. Lilimiin muna niya ang kanyang sarili. Hindi dapat siya magpadalos-dalos. Kaysa maloka sa kaiisip ay naghanda na siya sa pagpasok sa eskwelahan. Maya-maya ay nagulat pa siya ng may marinig sila na ugong ng sasakyan. Tila pumarada iyon sa kanilang harapan.

 “Tao po!” tawag ng tao sa labas. Si Prince! Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at pinagbuksan ito ng pinto. Halos liparin na nga niya papunta sa labas sa sobrang excited. Pagbukas niya ng pinto ay ang kagwapuhan agad ni Prince ang sumalubong sa kanya. Ang bango-bango pa nito. Hindi tuloy niya maiwasang mapapikit.

“Pwede bang tumuloy?” yun ang nagpatigil sa paged day dreaming niya.

“Sure.” Niluwagan niya ang bukas  ng pinto. Nang nakita niya ang kanyang nanay ay agad niyang pinakilala si Prince dito.

“Nay si Prince po. Prince ang nanay ko.” Pagpapakilala niya sa dalawa.

“Mabuti naman at napasyal ka hijo. Maaga pa ah?” sabi ng nanay niya.

A Princess and a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon