Chapter One- Buhay

269 3 0
                                    

CHAPTER ONE

“Mahal na prinsesa aba’y bangon na at tatanghaliin ka na sa pagpasok sa eskwelahan! Hindi mag-iintay ang school mo sa’yo!” pasigaw na tawag ni Aling Magda kay Princess. Nagkakamot pa sa ulo at nakapikit pang umupo si Cess sa kanyang kama. Pinagpapawisan pa siya ng malamig ng dahil sa panaginip niyang iyon. Ang weird ng panaginip kong iyon ah! Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon. Hindi siya pwedeng magkamali, siya ang prinsesa sa kanyang panaginip. Ngunit sino ang lalaking iyon? Bakit wala syang mukha? Siya kaya ang prinsipe ko? Naputol ang kanyang pagmumuni muni ng muli ay sumigaw na naman ang kanyang ina para gisingin siya. “Mahal na prinsesa! Gising na at tanghali na! Lalamig na ang gatas mo pati na ang almusal na iniluto ko. Kung hindi ka pa babangon diyan ay baka takasan tayo ng grasya. Maraming tao ang nagugutom. Dapat hindi pinag-aantay ang pagkain.” Paghihimutok na naman ng kanyang ina. Kada umaga ay ganun naman ang araw-araw na nangyayari sa kanila. Gigisingin siya nito ng pagka aga-aga at sasabihing tanghali na. Sinulyapan niya ang kanyang alarm clock at nakitang five thirty pa lang ng umaga. Si nanay talaga!

            Pinilit niyang bumangon kahit na siya ay inaanyaya pa ng kanyang kama na matulog ulit kahit tatlumpong minuto lamang. Masyado pang maaga. Pero para sakanya na isang oras ata kung maligo at magbihis at isang oras din kung kumain, dapat talaga ay maaga siyang gumising. Alas otso ng umaga ang pasok niya sa unibersidad na pinapasukan. Mahirap lamang sila. Hindi naman masasabi na isang kahig isang tuka talaga sila. Nakakaraos naman sila na makakakain ng 3 beses sa isang araw at may maipantustos sa kanyang pag-aaral. First year college na siya sa St. Mary’s University sa kursong Secretarial. Nakapagcollege lamang siya sapagkat tinulungan siya ng kanyang tiyuhin na makakuha ng scholarship sa eskwelahang iyon. Teacher kasi ang tiyuhin niya. Ito na ang tumatayong pangalawang tatay niya simula nung mamatay ang tatay niya nung limang taong gulang pa lamang siya.Sabi ng kanyang ina ay nabangga daw ito ng isang kotse habang tumatawid sa kalsada. May dala kasi itong panggatong kaya hindi namalayan na may kotseng paparating. Hindi din siya napansin ng kotse sapagkat patay ang head light ng sasakyan at lasing pa daw ang driver. Balita pa ay nakikipaghalikan pa daw ito sa babaeng kasama sa loob kaya huli na ng mapansin ang kanyang ama. Dahil daw sa sobrang takot ay hindi nito nagawang itakbo sa ospital ang kanyang ama at basta na lamang pinaharurot ang kotse papalayo. May ilang nakakita ng pangyayari, ngunit hindi nakita ang plate number ng sasakyan. May mga mabubuting loob na nagdala sa kanyang ama sa ospital ngunit dead on arrival na daw ito. Ang mas nakapagpadagdag ng sama ng loob ay hindi nahuli ang driver na nakabangga sa ama. Hindi nabigyan ng hustisya. Ilang taon ding nagluksa ang kanyang ina bago nakamove on. Buti na nga lamang at tama ang timing ng pag ka move on nito dahil nagsimula na muli itong magtrabaho. Nung mga panahong iyon ay kailangan na din kasi niya na pumasok sa eskwelahan. Kung hindi magtatrabaho ang kanyang ina ay wala silang kakainin at hindi sana siya makakapag-aral. Ngunit talagang mailap yata sa kanila ang swerte, nung nasa fourth year high school kasi siya ay nagkasakit ng tubercolosis ang kanyang ina. Hindi niya malaman ang gagawin. Wala silang kapera-pera at konti pa lang ang kanyang ipon. Muntik pa siyang mapahinto sa pag-aaral kahit graduating na siya. Hinag-hina na ang loob niya ng mga panahong iyon. Mabuti na lamang at may mababait siyang kaibigan at mga kaklase na nagtulong tulong upang makalikom siya ng pera para sakanyang panggastos sa eskwela at sa kanyang ina. Malaki rin ang nakuha niyang donation. Idagdag pa na may mangilang-ngilan ding mayayaman sa kanilang lugar na nagbigay ng malaking halaga na tulong sakanya. Nacontact din  niya ang ilan sa kanyang mga kamag-anak at nagbigay din ng tulong ang mga ito. Maswerte pa din kami ng mga panahong iyon. Dahil malaki ang nalikom na pera ay naipagamot niya ang kanyang ina. Yun nga lang, sa graduation niya ay wala ito. Siya pa naman ang First Honorable Mention sa kanilang batch. Kung may pang gastos sila ay baka siya pa nga ang Salutatorian o ang Valedictorian. Natatalo kasi siya sa mga extracurricular activities dahil wala siyang pera para sa mga costumes at sa iba pang bayarin. Maging sa ilang mga projects ay hindi siya nakakapagpasa. Buti na nga lamang at nandiyan ang forever bestfriend niya na si Kat-kat. May kaya ang pamilya nito. Minsan ay ito na ang gumagastos sa mga projects niya. Bilang pambayad-utang ay tinuturuan niya ito sa mga aralin. Medyo mahina kasi ito sa klase. Close na sila simula pa elementary. Simula nuon ay para na silang kambal-tuko na hindi mapag-hiwalay. Buti na nga lamang at hindi ito pinagbabawalan ng mga magulang na makipag-kaibigan sakanya. Nang gumaradweyt ito ng high school ay Girl Scout of the year ito. Naalala niya bigla ang biruan nila nun.“Di naman nalalayo grades natin sa isa’t isa bakit Girl Scout of the year lang ang award ko?” may himig pagtatampo na sabi ni Kat-kat.

A Princess and a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon