2.4- Feelings

136 5 0
                                    

so eto last update for this day.. End of Chapter 2.

Sad lang ako kasi wala nagcocontinue sa story ko.. Pero sana dumating ang araw may magbasa til the end!

Pagkatapos ng klase ay niyaya ni Kat-kat na kumain sila sa canteen. Hanggang 1pm lang ang klase niya at hanggang 3pm naman ang kay kat-kat. Irregular student kasi ito. Mahirap daw ang accountancy kaya naman may nabagsak itong subject.

“Teka nga friend, bakit nga ba nag Secretarial ka lang? Sayang ang talino mo. Dapat nag nursing ka na lang, Engineering o kaya Accountancy, mas bagay yun sayo.”tanong ni kat-kat sa kanya. “Naku, wala akong sapat na pera para tustusan ang mga kursong iyan. Masyado kayang mahal. Saka kaya naman Secretarial ang kinuha ko, kasi umaasa ako na balang araw, magkakaroon ako ng boss na sobrang gwapo. Tapos magkakagusto kami sa isa’t isa. Magpapakasal kami at presto! Mayaman na ko. Biruin mo ang saya ko kung di hamak na sekretarya lang ako tapos magkakagusto ang boss ko sa akin. O di ba? Bongga!”

“Ano ba ya. Yun lang ang dahilan?”

 “Yup! Teka, meron pa. Kung si Prince Harry naman ang mapapangasawa ko, syempre kelangan niya ng taga ayos ng schedule niya. Kaya dapat ang asawa niya ang gumawa nun para sa kanya. At ako yun!”

 “Nababaliw ka na talaga.” Wika ni Kat-kat sabay subo ng kinakain nitong kanin. Pagkainom niya ng soft drinks ay may namataan ito na papasok sa canteen. Nanlaki ang mga mata nito ng malaman kung sino ang parating.

 “Si… si Prince bay un Bru?” Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at dali-daling lumingon sa kanyang likuran. Nagulat siya ng makita ang lalaki. Si Prince nga! Ibinalik na lang muli ni Cess ang atensiyon sa pagkain. Baka kasi di niya mapigilan ang sarili na titigan ito. Malaki kasi ang pinagbago nito. Matangakad ito at mahaba ang buhok na medyo alon-alon. Hindi sagabal ang salamin nito para mapansin ang malalantik na pilik mata. Magaganda ang mga mata na animo ay hinuhubadan ka. Kayumanggi pa din ang kulay nito na mas lalo lang nagparagdag sa karisma nito. Hindi niya makita ang malalalim na dimples nito dahil hindi ito nakangiti. Ito ang magandang halimbawa ng tall, dark and handsome. Hindi niya akalain na ang batang magbubuko ay lalaki ng ganito kagwapo. Natigilan siya. Naanalisa ko agad ang kanyang panlabas na kaanyuan kahit sinulyapan ko lang siya. Pero paano? Nattract ba ko sa kanya? No! Hindi pwedeng mangyari yun! Tinig ni kat-kat ang nagpabalik sa kanyang maayos na pag-iisip. “Ang gwapo na niya no? Hindi talaga ako nagkamali ng taong pagtutuunan ng pansin. He’s so..hot.”

 “Hoy Bru! Tumigil ka nga! Akala ko ba wala ka ng gusto sa kanya? Ngayon kandahahaba yang leeg mo kahahabol ng tingin sa batang magbubuko nay un.”

 “Hindi na siya bata. Saka wala akong pakialam kung magbubuko siya. Nawala na nga feelings ko for him. Bakit, hindi ba pwedeng bumalik?” kinikilig pang wika nito.  

“Hay naku, ewan ko sa’yo. Nababaliw ka na talaga.” Nakaramdam bigla ng pagkailang si Cess. Tila ba may matang nakatitig sa kanya. Pasimple siyang luminga-linga sa paligid niya at nakita niya si Prince. Titig na titig sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit bigla siyang nagbawi ng tingin. Hindi niya kayang makipagtitigan dito. Tumayo na siya at dali-daling lumabas ng Canteen. Nararamdaman pa rin niya ang dalawang mga matang tingin niya ay inihahatid siya ng tingin. Binilisan niya ang paglakad. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naguguluhan siya. Kelangan na niyang magpahinga baka sakaling bumalik siya sa huwisyo. Pinara niya agad ang jeep na dumaan at dali-daling sumakay. Hanggang sa bahay ay di pa rin siya mapakali. Ano bang nangyayari sa kanya? Si Prince lang ba ang katumbas niya? Hindi! sigaw ng utak niya. Hindi siya mahuhulog kay Prince. Hindi ito totoong Prinsipe.

end of Chapter 2.. Please vote, like or comment !

:((

** d' une 18 **

A Princess and a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon