Chapter 4- Our first kiss

160 4 0
                                    

Hello there :) Salamat po sa lahat ng nagtangka, at magtatangkang basahin ang munting kwento ko. Magpatuloy man o hindi masaya pa din ako na binigyan niyo ng pansin ang story ko :) Eto update ako ng Chapter 4. Divided into 2 parts na lang para di masyadong mahaba.

Note: Pocketbook style po ang style ng pagsusulat ko kaya ganan. Nahawa kasi sa mga binabasa kong pocketbook.. heheh :) Enjoy!

------------*  -------------* ----------------------* ---------------------------* -------------* ---------------- * ----------------- *

CHAPTER FOUR

Hindi maganda ang gising ni Cess ng araw na iyon. Naisip kasi kaagad niya ang nangyari kahapon. Naiinis pa din siya sa kagaspangan ng ugali na ipinakita ni Prince. Plus the fact na hindi man lang siya nito niyayang sumabay kahit pabalat sibuyas man lamang. Nakakunot noong bumangon siya at inayos ang kanyang hinigaan. Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang kanyang inay. Ngunit hindi niya ito makita. Baka kumuha na ng labada. Siya na lamang ang nagtimpla ng kanyang gatas at inumpisahan na ang pagkain. Makatapos kumain ay inihanda na niya ang sarili pagpasok sa eskwela. Kelangan niya ng sapat na energy at makikipagtunggali pa siya sa teacher niya. Nagtext si Kat-kat na hindi daw siya nito maisasabay dahil sa second period pa ito papasok. Hindi na siya nagtanong kung bakit dahil wala din naman siyang load. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya ng bahay. Dahil wala pa ang ina nung paalis na siya, napagpasyahan niya na mag-iwan na lang ng note para sa ina na nakasaad na umalis na siya.

Ilang oras lang ang lumipas at  nasa school na siya. Walang makabati sa kanya ng araw na iyon sapagkat nakasimangot siya. Animo ay susugod talaga sa gyera. Dumiretso agad siya sa faculty room at hinanap ang homeroom teacher niya. Saktong kakatok pa sana siya sa pinto ng bumukas iyon. Iniluwa nito ang taong ayaw n asana niyang makita-si Prince. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Wala siyang makitang emosyon roon. Napakalamig ng titig nito. Dahil napunta kay Prince ang atensiyon niya hindi niya nakita na kasunod nito ang teacher na hinahanap niya.

“Oh, Ms. Castillo. May kailangan ka ba?” tanong ng teacher niya sa kanya. Nagpasintabi si Prince at inimuwesrtrang aalis na siya. Hinabol niya ito ng tingin hanggang sa malayo na ito. “Ms. Castillo?”untag sa kanya ng teacher niya.

“Ah! Yes ma’am. May irereklamo lang po sana ako sa inyo. Bakit hindi niyo po sinabi sa akin na kasali po ako sa play na ipepresent sa Foundation Day?”tanong niya. Nabigla ang teacher niya. Tila hindi malaman kung ano ba ang dapat irereaksyon. Magugulat ba o maasar? Muli ay nagsalita ito.

 “Ms. Castillo, sa pagkakaalam ko ay binaggit ko ito sa klase kahapon. Tumango-tango ka pa nga that’s why I presume that I made myself clear.” Doon niya naalalang may pinaguusapan nga sila kahapon. Yun yata ang time na natulala siya dahil naisip niya ang panaginip niya. Napahiya siya at tatalikod na sana ng magsalitang muli ang teacher niya.

“Kaya pala wala ka sa practice kahapon. Siguraduhin mong aatend ka na mamaya. Napakaimportante ng role mo. Hindi kami makapagpractice ng wala ka.” Nahihiyang napatango na lamang siya at tuluyan ng umalis para umatend ng klase niya.

Mabilis ang pagdaan ng oras. Alas singko na ng hapon at out na niya sa trabaho. Nag-iisip pa rin siya kung sasali sa play o hindi. Naiilang kasi siya lalo na at naroon si Prince. Ngunit napagdesisyunan niya na sumali na lang din. Tutal ay buo na ang casting. Nakakahiya naman kung magbaback-out pa siya. Isa pa ang English teacher nila ang in-charge sa play na yun kaya mas dapat niyang sumali. Naamoy kasi niyang mabababa ang grades niya dito. Maya-maya pa ay natagpuan niya ang sariling naglalakad papunta sa lugar na pagpapraktisan nila. Kinakabaha siya. Hindi niya mawari. Dahil ba magkikita silang muli ni Prince? Hindi! sigaw ng utak niya. Kinakabahan lang ako kasi di ko naman alam kung sino ang mga cast. Baka wala akong kakilala. Wala naman akong kaclose sa accountancy at business ad department. Nag-iisip pa din siya kung paano magpapakita sa grupo ng mapansin siya ni Prince.

A Princess and a PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon