Henchback

127 1 0
                                    

              It was Saturday morning at wala kaming pasok.  Madalas akong maiwan sa bahay ng solo lang, madalas umalis yung lolo't lola ko. May konti kasi silang lupa na pag-aari nila at pumupunta sila ron para magtanim.

          At dahil wala akong pasok maraming bilin ang Lola ko. Tulad ng paglalaba, paghuhugas ng pinagkainan pagwawalis, paglalampaso, at paglilinis ng mga bintana. In short nagiging maid ako pag walang pasok, pero ok lang naman. Medyo malaki nga lang yung bahay kaya ang dami ko ring lilinisin. Isama pa ang pagdidilig ng halaman.

        Haist...... katatapos ko lang magwalis ng buong bahay nong time na yun. Bale galing akong kusina non at papasok na ko dun sa sala ng may mapansin ako sa bintana namin.

     Yung kasing likod ng bahay namin ay may palayan tapos may balon dun na malapit. Yung balon na yun ay palaging iniigiban or kinukuhaan ng tubig nung kapitbahay namin.

   

          Yung sala kasi namin dun nakalagay yung tv namin at syempre yung sa pader may bintana na matatanaw yung balon at yung palayan. Makikita rin dito kung sino naiigib.

       So ayun nga nung pagpasok ko sa sala namin napatingin ako sa bintana. Nagulat ako sa nakita ko, may napakabilis lumakad na kuba kulay brown po sya. Ang bilis nyang lumakad na halos hindi ko na nakita pa yung mukha nya.

             Ang akala ko si inang basing lang yung matandang nakatira sa malapit sa min. Sila lang kasi yung palaging kumukuha ng tubig sa balon na yun. Medyo kuba na rin kasi yun at lalo pa yung nakukuba kapag nagbubuhat ng balde.

              So pinaniwala ko agad sarili ko na si aling basing yun. Hinihintay ko syang lumagpas sa kabila na bintana namin. Yung kasing bahay namin maraming bintana tapos may pader or dingding. Dahil nainip ako sa kaaantay kong lumagpas yung nakita ko sa bintana. Lumabas ako ng pinto ng bahay paglabas kasi ng bahay namin ay may terrace kung saan makikita ko pa rin yung palayan , yung balon, at yung bahay nina aling basing. Dali-dali nga akong lumabas paglabas ko dun sa terrace ay wala akong nakitang kuba o kung anu pa man yun. As in solo lang ako ron.


         Nagtataka talaga ko kasi kong si aling basing yun dapat mabagal yung maglakad kasi matanda na yun at buhat buhat pa syang balde. Pero ang nakita ko ay kulay brown na parang kuba makapal kasi yung likod nya eh na parang nakabend yung likod kaya nasabi ko na kuba tapos ang bilis nyang lumakad.


      Hinintay ko talaga syang lumagpas sa kabilang bintana pero wala  eh. Sa tingin nyo ano kayang klasing nilalang yung nakita ko noon. Hindi kaya sya yung nilalang na nakatira sa balon? Hindi kaya sya ying tagapagbantay ng balon na yun?




End...............

Sana po ay nasiyahan sa kwentong ibinahagi ko...

At sana marami ang makabasa nito thanks........

Makapanindig Balahibong IstoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon