Ang Pagbabalik Nila

71 1 0
                                    

Ang karanasang ito na ibabahagi ko sa inyo ay nangyari sa school namin nung high school ako. Sa isla pa rin ito somewhere in Quezon province.

Nasa third year high school na ako non ng mangyari ito. Tuwing hapon ang math class namin, mga around 2 pm nagsisimula ang klase namin. Ang upuan ko ay sa may parteng gitna ng classroom.

So pagpasok namin sa classroom na yun kakaiba lagi ang pakiramdam ko sa classroom na yun, palaging mainit at ang sakit ng ulo ko. Sa totoo lang wala akong naiintindihan sa mga pinagsasasabi ng teacher ko.

Madalas lang akong nakatitig sa kanya lalo na kapag ka nakaupo na sya sa table nya na nakaharap sa min. Nagtataka kasi ako kung bakit palagi na lang syang may katabi na kulay itim sa parteng kanan nya. Ang tingin ko hindi lang sya basta anino. Para syang si kamatayan nakasaklob ang ulo. Balot ng kulay itm ang buong katawan nya na nakatungo at hindi ko makita ang mukha. Pero pakiramdam ko alam nyang nakikita ko sya.

Halos ilang araw ko ring nakikita na palagi nakatayo yung nakaitim sa tabi nya. Hindi ko alam kung alam ba yun ng teacher ko o ano. At palaging sakit sakit ng ulo ko sa classroom na yun at ang init ng pakiramdam ko.

Noong una wala pa ko pinagsasabihan sa mga kaibigan ko. Pero one time, nagkatumpok tumpok kami ng mga barkada ko, naikwento ko sa kanila ang mga nakikita ko sa tuwing papasok kami sa classroom na yun. Natakot sila at saka yung iba ay kaparehas ng pakiramdam, masakit sa ulo at ang init.

Simula nung nagkwento ako sa mga classmate ko ay kung anu-ano ng nangyari di maipaliwanag na kababalaghan sa school namin. Simula ng sabihin ko sa mga friends ko yung nakaitim, mga ilang araw pa lang ay nagaabesnt na ang teacher ko yun sa math na madalas ay nakikita kong nakatayo sa tabi ay yung nakaitim.

Ang balita namin parang nawawala raw sa sarili ewan parang napoposes daw or may kinakausap daw na hindi nila makita. Ang sabi ng iba nababaliw na raw yung teacher naming yun pero nung binisita namin sa bahay nya ang weird nga nya may kakaiba sa kanyang mga mata parang tagos syang tumingin. Natakot na lang kami kaya di na ulit nami n sya binisita.

Nagkaroon din ng bali- balita na kung saan saang parte na ng school lumalabas yung nakasaklob ng kulay itim- sorry hindi ko alam kung tawag sa kanila basta para silang si kamatayan kaya nga lang wala silang hawak na karit sa kamay nila. Nababalitaan ko na nagpapakita sila sa ibang istudyante sa cr o kahit sa daan lang na kung may third eye ka talaga ay makikita mo sila.

Dahil kumalat na nga ang balita sa mga nakaitim na yan, may isa pa kong kaklase na nagsabe sa kin ayaw nya raw makakita ng kahit na ano. Sinabi nya yun sa kn habang nakatambay kami sa bench. Kinabukasan, nagulat ako takot na takot yung iba kong kaklase kasi yung kaklase ko umiiyak at takot na takot. Nakita raw nya yung nakasaklib ng itim nakatayo raw malapit sa classroom na pagkaklasehan namin.

Parang lalong lumala ang pangyayari sa school namin dahil ng mga sumunod na araw ay may mga estudyante ng sinasapian. Nung una paisa-isa lang, hanggang sa nagimbal ang buong campus dahil sa dami ng sinapian iba't ibang estudyante mula sa iba't ibang year at section. Puro mga babae sila at meron ilang na sinapian na magkakaklase. Ipinahinto ang klase at pinauwi na kami.

Nagpatawag ng pari ang mga teacher. Inipon nila lahat ng mga nasasapian sa isang classroom gusto man naming sumilip sa classroom na yun ay hindi namin nagawa pilit kaming tinataboy ng teacher na umuwi na raw kami dahil baka mahawa pa kami sa mga nagwawalang estudyante.

Kinabukasan, pagbalik namin ng school, sinabihan kami na palagi raw kaming magdasal. Para makaiwas daw kami sa masasamang ispirutu na nagkalat sa campus. Pakiramdam ko tuloy ng mga panahong yun kasalanan ko kung bakit nagkaganon. Nagsimula lang naman ang lahat ng yun nung ikinwento ko sa mga kaibigan ko yung nakikita kong na nakaitim. Pero bahala sila nangyari na yun eh.

Kinwento ko sa lola't tito ko ang mga nangyari sa school namin. Ang tito ko kasi ay manggagamot, yung albularyo marami syang alam sa mga hiwaga. Ang sabi nya sa kin marami raw yung mga nakaitim na yun, sila daw yung dating mga nakatira sa campus namin nung unang panahon nung hindi pa natatayo ang school namin. Nagbabalik daw sila sa dati nilang tirahan.


End....... Sana mabasa ninyo ito maramaming salamat sa mga nakabasa na ng mga kwento ko.

Makapanindig Balahibong IstoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon