Nangyari ito sa Lucena, Quezon sa mismong bahay namin talaga. College ako nung mangyari ito. Dalawa lang kami sa bahay namin ng kuya ko. Yung mga mgaulang namin kc parehong wala tas yung isa kong kapatid sa ibang lugar nakatira. Magkahiwalay kami ng kwarto ng kuya ko. Siya , sa may kusina, habang ako naman ay sa may salas yung kwarto ko. Dahil pagod ako sa kung anu-anong mga activities sa school nakatulog ako ng maaga. Hindi ko alam kung nakauwi na rin yung kuya ko sa bahay pero madalas naman yung umuwi ng late dahil sa trabaho nya kaya madalas lang talaga ko solo sa bahay. So ayun nga maaga akong nakatulog. Naalimpungatan ako, ewan ko kung anong oras yun pero basta nagising ako. Pagmulat ko ng mata ko------Wahhh....... Bakit may pares ng mga matang nakatingin sa akin. Ang lapit namin sa isat isa. Mga isang dangkal lang ang layo nya sa akin. Magkaharapan kami. Nakatagilid kasi ako, tas sya nakatagilid din nakaharap sa kin. Alam kong sa mga oras na yun ay multo na yung katabi ko. Hindi ko maaninag ang buong mukha nya ang tangi ko lang nakikita ay ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
Dahil antok pa rin ako, tinalikuran ko yung babaeng katabi ko at natulog ulit denedma ko na lang si multo.
BINABASA MO ANG
Makapanindig Balahibong Istorya
KorkuDo you believe that ghost really exist? Naniniwala ka ba na ang mga dwende ay totoo? Ang mga lamang lupa, kapre , tikbalang, at kung anu-ano pang elemental enteties well, they really exist. Maybe some of you ay hindi naniniwala sa mga gani...