Dalawang taon ako noon ng mangyari ito sa akin. Nakatira kami somewhere in Quezon province di ko na lang sasabihin kong saan ito sa Quezon. Ito ay kwento lang sa kin ng nanay ko.
Bata pa raw ako noon ng mangyari ito so yun nga, iniwan lang daw ako ng nanay ko sa may labahan doon daw ako naliligo. Alam nyo na nagtatampisaw hinayaan lang daw muna ako ng nanay ko na maglandi ng tubig sa labahan. Busy kasi sya nun my tindahan kasi sya bali yung harap ng bahay namin andon yung tindahan ng nanay ko.
May bumili sa tindahan ng nanay ko so naiwan ako sa labahan namin. Natagalan bago bumalik yung nanay ko. Siguro mga five minutes bago sya bumalik. Pagbalik nya sa labahan laking gulat nya na wala na ako ron sa labahan. Hinanap nya ko sa buong bahay. Tinawag nya ng tinawag yung pangalan ko pero talgang wala di nya ko makita.
Imposible naman daw na lumabas ako ng bahay kasi makikita nya agad yun dahil isa lang naman ang gate labasan sa bahay namin. So yun hinanap nya ko ng hinanap sa bawat sulok ng bahay pero talagang di nya ko makita.
Nagdesisyon ang nanay ko na hanapin ako sa labas ng bahay namin sa mga kapitbahay. Pinagtanong tanong nya ako sa mga kapitbahay namin na baka raw nakikita nila ako na lumabas ng bahay. Pero wala hindi pa rin nila ako nakita. Tinulungan na rin ng mga kapitbahay ang nanay ko sa paghahanap sa akin.
Hindi pa rin ako nila nakita matapos nilang magtanong sa mga kapitbahay namin na maari kong puntahan. Kaya sinubukan nilang bumalik ulit sa bahay namin para hanapin ako.
Pagpasok ng bahay ay dumiretso agad ang nanay ko sa my kusina papuntang labahan. Laking gulat nila na andun lang pala ako at nakaupo habang tuwang tuwang magtampisaw ng tubig sa tabo. Agad akong niyakap ng nanay ko. Magkahalong takot, pangamba, at saya ang naramdaman nya ng mga oras na yun.
Akala nya ay nawala na talaga ko. Tinanong nya ko kung san ako pumunta. Ang sagot ko raw sa kanya ay hindi naman ako umaalis doon sa labahan at kanina pa ako roon naliligo.
End... Mas marami pa pong susunod na mas nakakatakot na pangyayari so sana po ay naenjoy ninyo ang maikli kong story. Thanks.
BINABASA MO ANG
Makapanindig Balahibong Istorya
TerrorDo you believe that ghost really exist? Naniniwala ka ba na ang mga dwende ay totoo? Ang mga lamang lupa, kapre , tikbalang, at kung anu-ano pang elemental enteties well, they really exist. Maybe some of you ay hindi naniniwala sa mga gani...