Ang white lady sa kusina namin. Ah siguro ang iba sa inyo nakakita na ng white lady pangkaraniwan na kasi yang mga white lady white lady na yan eh. Itong ishehare ko sa inyo ay mga pangyayari pa rin sa bahay pa rin ng lolo't lola ko.
Ang bahay kasi ng lolo't lola ko ay may dalawang kainan yung isa ay sa may dulong parte ng bahay sa may lutuan at yung isa ay sa may papuntang sala.
Kapag umaga o kaya tanghali kumakain kami dun sa labas dun sa dining namin sa dulong parte ng bahay may mga lutuan din kasi dun at dun palagi nagluluto ang lola ko. Pero pagsapit ng gabi, madalas sa loob na kami kumakain sa dining area na madadaanan kapag pupuntang sala.
Kapag naghahapunan kaming tatlo ng lolo't lola ko ay madalas lang kaming tahimik ayaw kasi nila ng nagkekwentuhan sa hapagkainan at kapag masarap ang pagkain ayaw nila ng imik ng imik ng ang sarap. Masyadong istrikto sila, kaya madalas ang bahay na ang tanging nagpapaingay lang ay ang tv.
Ang madalas kong pwesto ng upuan at sa tapat ng pinto papuntang kusina at yung kusina namin ay may isang pinto pang pinto papunta sa isa pang dining area namin yung dulong parte ng bahay namin. Bali dalawang pintuan na magkatapatan yun.
Kapag kumakain kami yung dalawang pintong yun ay bukas at makikita ko kung may tao mang papasok sa may kusina namin. Madalas kong nakikita ang white lady na yun na nakatayo sa my kusina namin sa mismong pintuan papasok sa isang dining area namin. Hindi ko alam kung bakit madalas syang mag pakita sa akin. Basta tuwing maghahapunan kami dun ko sya madalas makita. Nakatingin lang sya sa akin.
Wala akong pinagsasabihan ng mga nakikita ko sa bahay na yun hindi ko sinasabi sa lolo't lola ko baka kasi matakot sila. Pero one time nagkwento sa kin ang tita ko na nakakita raw sya ng white lady sa mismong pintuan papunta sa isa pa naming dining area. Yung white lady na nakikita ko ay nakita rin nya. Umuupo rin kasi sya sa tapat ng pintuan.
Kaya madalas para hindi ako matakot ang ginagawa ko, sinasarado ko na lang yung pintong katapatan palabas ng kusina.Para sa tuwing titingin ako dun ay hindi ko na sya makita.
Pero hindi pala yun ang sulosyon sa problema ko. Dahil sa tuwing naghuhugas ako ng pinggan sa may lababo sa kusina ay madalas may dumadaan sa likod ko. Pero paglilingunin ko ay wala naman. At saka napatalon na lang ako dahil ramdam kong parang may humawak sa may pwetan ko sabay lagpas ng parang anino na ewan.
Kinabahan ako sa nangyari sa kin kaya binilisan ko ang paghuhigas ng pinggan at dali dali na kong pumunta sa sala para manood ng tv para malimutan ko nangyari sa kin.
BINABASA MO ANG
Makapanindig Balahibong Istorya
HorrorDo you believe that ghost really exist? Naniniwala ka ba na ang mga dwende ay totoo? Ang mga lamang lupa, kapre , tikbalang, at kung anu-ano pang elemental enteties well, they really exist. Maybe some of you ay hindi naniniwala sa mga gani...