Nasa multimedia po ang reyna ng mga higad na si Yvonne.
Hahahaha!!!!
vote and comment din po!
xoxo
Kim's POV:
"Hi Miguel! Pwede dito nalang ako umupo? Wala kasi akong kasabay kumain eh, absent kasi si Gail ngayon." Malanding pagkakasabi ng umupong babae.
Bigla bumagting ang dalawang tenga ko kung sino ang nagsasalita...
Si Yvonne pala yung biglang umupo, nagtanong pa, nakaupo na nga.
Abah nakakapit pa yung kamay niya sa braso ni Miguel.
"Pwede naman, wala namang nakaupo sa tabi ko eh."
Walang namang ginagawa si Miguel sa paglalandeng ginagawa ni Yvonne sa kanya.
Pinipisil pa ni Yvonne yung biceps ni Miguel, abahh! Parang nasasayahan pa si Miguel sa ginagawa niya, nakasmile pa. URRGGHHHHHHH!!!!!
"Nakaupo ka na nga, magtatanong pa kung pwede umupo, nakikiupo na nga, naglalande pa, galawang higad na yan eh." Bulong ko, pero pinalakas ko pa ng konte yung boses ko para marinig parin niya yung sinasabi ko.
"May sinasabi ka ba?" inis na sabi ni Yvonne sakin.
"Wala! Ang sabi ko sarap ng kinakain kong adobo, pero NAKAKAUMAY na yung lasa kapag matagal ko nang kinakain." Sabi ko sa kanya sabay bigay ng plastic na ngiti.
"Ahh gusto mo Kim, palitan ko nalang?, magsabi kalang libre ko naman eh." sabi ni Lance sakin.
"Wag na, kakainin ko nalang toh Lance kahit na NAKAKAUMAY na." in'emphasize ko talaga ulit ang word na NAKAKAUMAY kasi NAKAKAUMAY na tlagang tignan yung pinanggagawa ni Yvonne kay Miguel, malandeee!
"Ahh sige, sabihin mo nalang kung ayaw mo na ha." Mahinahong sabi sakin ni Lance.
"Ahh Bestiee, ito nalang yung kainin mo, sinigang kahit na sobrang ASIM na ng KAHARAP ko ay este ng pagkain ko, di naman si NAKAKAUMAY!" boom! Yang ang pamatay na banat ni Venus. Ano natamaan ka Yvonne? Ahahaha
Nakikita ko ang pigil na tawa ni Joanah sa mga naririnig niya.
Nakikita ko na yung inis sa mata ni Yvonne dahil sa pagpaparinig namen sa kanya, pero hindi niya magawang tarayan kame kasi nadyan si Miguel.
"Ahhh sige alis nalang ako Miguel nawalan na kasi ako ng ganang kumain kasi parang ang PANGET ng lasa ng inorder ko, sa labas nalang ako bibili." Sabi naman ni Yvonne kay Miguel, in'emphasize pa talaga niya ang PANGET? Akala mo di ko magets? Scholar kaya to! SHUNGGAAA!
"Ahh sige Yvonne, ingat ka ha, dame pa namang budol2x sa labas?" sabi naman ni Miguel sa kanya.
Sana mabudol budol nga siya, para mawalan na siya sa landas ko. Hahahahahahahahaah! I'm so evil naman!
"Wag kang mag-alala, mag-iingat ako para sayo." Sabay kagat labi pa at kindat pa.
Nabebeast mode ako ngayon ah. Pigilan niyo ako! AHHHHHHHHHHHHHHHHH!
"Hahaha, ikaw talaga! Hindi ka parin nagbabago gaya ng dati. Haha!" sabay palo ng mahina sa braso ni Migz. Pabebe amg futaaa!!!!
Baket makangiti si Migz parang walang bukas pero sakin nakabusangot? Hmmmpphhhh!
"Ang lande tlaga!" sabi ko sa isip ko.
"Hmmm, sana paminsan minsan bumisita ka naman sa bahay namen parehas nung bata pa tayo, namimiss ka na ni mama." Sabay tingin sakin.
Nagpaparinig ang G-A-G-A.
Pero magkakilala sila nung bata pa sila? Madami pa akong walang alam kay Miguel.
"Sige pupunta kame, namimiss ko rin si Tita eh. Pakimusta nalang ako kay Tita ha!"
"Sige makakarating yan kay Mama, uhmm sige Miguel gotta go!" sabay kiss sa pisngi ni Miguel pero parang ang lapit na sa lips yun ah. Nagiinit na ako sa galit ngayon! GRRRRRRRR!
"Byee guysss!" sabi niya samin, sabay tingin sakin na nakangisi, ngayon lang yan Yvonne!
Magtutuos pa tayong higad na babae ka!
.
.
.
End of Chapter 7
BINABASA MO ANG
One Last Kiss
Teen FictionKwento ito ng isang ugly duckling princess na si Kim na maiinlove sa isang sikat na casanova na si Migz. Mi ultimo paglalaba ng brief gagawin niya para mapansin lang ang kanyang pinapangarap. Dahil sa isang pangyayari, napagtanto ni Kim na walang k...