1st Day: Them in Suites

31 2 0
                                    

Palakad lakad na naman ang ating bidang si Christel nang makita ang galit na si Yam na nakikipagtalo kay Keiy sa labas ng canteen.

Di niya sinasadyang marinig ang pinagtatalunan.

Yam: Pusit kang gwapo ka. Ba't mo ba ako pinepeste? Di tayo close anoh. (Galit)

Keiy: Ayaw mo pa nun? Alam ko naman gusto mo ako, eh.

Napatawa si Christel nang mahina nang makita niya ang shock na mukha ng kaibigan. Naalala niya kasi na sinabihan niya si Keiy na gustong gusto siya ni Yam.

Christel: Laughtrip to. Haha.

Sabi niya sa sarili.

Natarantan namang sumagot si Yam.

Yam: A... ang yabang yabang mo. Sinong may sabing gusto kita?

Keiy: You just did.

Naka smirk si guy at mas natuwa si Christel.

Yam: What? Oh... Baliw!

At nagwalk in na ang kaibigan niya sa canteen. Lumapit naman si Christel kay Keiy.

Keiy: You heard that?

Napangisi naman si girl.

Christel: I'm lying if I say I didn't.

Napasmila lang si Keiy.

Christel: So, what do you think?

Keiy: I can't agree just so easily dahil kakikilala ko pa lang sa kanya. Pero...

Christel: Pero?

Keiy: She's alright.

Binatikan naman ni girl ang lalaki at napa ouch naman ito.

Christel: Di lang alright si Yam ano.

Keiy: Haha. I'm sorry. What I meant is she's different.

Christel: Is that a bad different or a good different?

Keiy: I don't know yet but I'll stick around to find it out.

Christel: Okay. But let me know if you've already decided, alright?

Keiy: Sure.

Christel: Thanks. Come on, para mas makilala mo pa yung si Yam ay papakilala kita sa friends namin para sila na rin magkwento ng mga kalokohan nun. Haha.

Keiy: I'm not really sure. Kakahiya naman nun at parang galit ata yun saken.

Christel: Di ka dapat nahihiya sa min kase lahat kami makakapal. Haha. At wag ka mag alala dun, bubusangot lang yun. Wag mo nalang pansinin. C'mon.

Anyaya ni girl sa lalaki.

Keiy: Okay?

At pumasok na rin sila sa canteen.

Some1: Sino yang kasama ni Chris?

Some2: Oh, no. Wag mo sabihing may karibal na si papa Nerry.

Some3: Di yan pwede!

Some1: Pero in fairness, bagay naman sila.

Some3: Di noh. Nerris lang ang bagay.

At yun, marami ding nag away away nang dahil sa magkasabay na pumasok si bida at si Keiy.

Keiy: Di ko ata gusto tong naririnig ko. Solid kaya akong Nerris.

Sinamaan naman ni girl ang tingin ang kasamang lalaki.

Keiy: Chill lang. Haha.

Sa wakas ay nakaupo na rin sila sa mesang kinauupuan ng mga kaibigan ni Christel.

Kiko: Bago mo na namang biktima?

Tanong niya at natahimik naman ang lahat sa mesa.

Christel: Haha. Nakakatawa ka Kiko. Paremind mo ako mamaya na papatayin pa kita sa tulog mo.

Sarkastikong sabi niya at nagpatuloy naman sa pagdaldalan ang nasa mesa.

Yam: Ba't ka nandito?

Galit na tanong ng nakabusangot na Yam.

Keiy: Eh, gusto mo kasi.

Nakasmirk na sabi ni Keiy.

Yam: Argh!

Frustrated tumahimik lang si Yam na nagpatahimik naman sa lahat sa mesa.

Lex: Magugunaw na ba ang mundo?

Takot na sabi niya.

Kiko: Oo yata tol. Tumahimik si Yam! Isa itong himala!

Marni: Grabe tong seminar na to. Leadership ba talaga to o Heartship training?

Peg: Heartship lang to pag para sa mga mahaharot.

Seryosong sabi nito habang patuloy pa sa pagkain.

Fer: At Leadership naman para sa mga bitter.

Kiko: Boom panes!

Nagtawanan naman ang mesa habang wala lang reaksyon si Peg.

Christel: Teka lang. May nakakalimutan ata ako. Loko kayo, pinabayaan niyo lang ako kaninang nakatulog. Wala man lang gumising saken. Pati ikaw Peg. Ang sama lang?

Pero di niya na narinig ang paliwanag ng kaibigan, di naman siya sure kung magpapaliwanag ba yun, ay may sumulpot na limang naka itim na suits na mga babae sa kanyang likod.

Christel: Ayy, pagong na natapilok!

Gulat na sabi niya nang tinapik siya bigla ng isa.

Christel: What the- and who the heck are you?

GiS1: Ms. Christel?

Christel: Ano bang nasa mga tao ngayon at palagi na lang nababanggit yang pangalang yan?

Peg: Siya yun.

Christel: Letse ka talagang bruha ka.

Annoyed na sabi niya sa kaibigan na nagkibit balikat lang.

GiS2: Please come with us, Ms. Christel.

Di na nila pinagsalita ang bida at walang sabing inassist siya palabas ng canteen.

Christel: What?! Hoi tulungan niyo nga ako. Kita niyo namang kinikidnap na ako.

Pagpapananic ni girl. Kanya kanya namang inignore ang lahat na nasa mesa.

Christel: Walang hiya kayo!

Yun na lang ang last na narinig mula sa kanya when the group with Christel was finally out of the door.

Peg: Yan kase, tulog pa more.

........

Bzallereader:

Guys, napag isip isip ko po na hindi na si Christel ang bida kaya papatayin ko na siya... buhahaha... pero joke lang.

Actually kayo yung mamamatay sa kakornihan nito kaya enjoys... XD

Byes...

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon