1st Day: Hosts

31 2 0
                                    

Christel: Stop!!!

Natigilan ang lahat sa kanilang pinaggagawa sa sigaw ng ating bida.

GiS1: Bakit, Chris?

Christel: Bakit? Kayo pa yung may ganang magtanong? Eh, ako nga yung ginagawa niyong clown na walang paliwanag.

Galit nitong sabi.

GiS2: Actually, this is what you call applying make up.

At pinudpud ng babae ng powder ang ating bida.

Christel: Pweh... Pweh... sunod niyo namang gawin ay lutuin niyo ako sa mainit na mantika and poof! May pritong tao na kayo.

Sarkastiko niyang sabi habang sinamaan lang siya ng tingin ng babae.

GiS1: Pagpasensyahan mo lang yan Chris.

Sabi ng babaeng nanggugulo ng buhok niya.

Christel: Kanina pa naubos pasensya ko. Tumigil nga kayong lahat.

Nagpumiglas si girl mula sa mga kamay ng kinapers niya.

GiS2: Kanina ka pa nangiinis ah. Tumahimik ka nga at wag kang malikot, di kami matapos tapos sayo.

Christel: No way! Hangga't di kayo nagpapaliwanag kung bakit niyo ako kinidnap at tinotorture ay mag iingay talaga ako sa ayaw niyo't sa gusto.

Napabuntong hinina lang ang kausap na babae.

GiS1: Okay guys, stop for a minute.

Napahinto lahat sa pinaggagawa.

GiS1: We didn't kidnap you Chris kase naman protocol to para mamaya.

Christel: Anong mangyayari mamaya?

GiS2: You're going to be one of the host for the pageant.

Christel: Ano?

Lumaki sa pagkabigla ang singkit niyang mata.

GiS2: Kung di ka pa daw natulog kanina edi wala kaming ipapaliwanag sayo.

GiS1: Di mo ba nabasa sa Calendar of Events na may pageant? Mamaya na yun at napili kang maging host.

Christel: Bakit naman ako ang napili eh di ko naman narinig na may nagnominate saken.

GiS2: Yun na nga ang problema. Nakatulog ka kase kanina so wala ka nang choice.

Nagsimula na naman silang gawin ang magic nila at tumahimik na lang ang ating bida kahit bagot na bagot na siya.

Matapos ang ilang mga minuto ay pinatayo na si Christel at pinapasok sa dressing room. Tumambad naman ang isang plain black croptop and green at floral na puffy skirt. Maganda naman ito at nagsimula nang magbihis ang ating bida.

Sa kabila namang banda...

Nerry: No way.

Drew: Pero dude, napagpasyahan na na ikaw talaga ang isa sa hosts.

Nerry: No. Ayaw ko.

Kanina pa nagpupumiglas si Nerry sa mga Men in suits na ala James Bond lang ang peg.

Nerry: Hindi ko matandaang nag agree ako maging host kanina.

Mikaela: Well, duh lang? Kase naman nung may nagnominate na sayo kanina ay para kang timang na stalker na hinihilis sa titig ang isang inosenteng natutulog na babae. Creepy much.

Drew: Well, I would say sweet rather than creepy.

Mikaela: Ewan ko sa inyo creeps niyo talaga. Sige na guys ipasok na yan.

Nerry: Ayaw nga. No way. Busy ako.

Pagpupumiglas pa rin ni guy sa kamay ng mga Men in suites. Napabuntong hininga naman si Mikaela.

Mikaela: Si Christel ang pares mo at kasalukuyan siyang inaayusan ng girls ngayon. Now, if you still don't want to do the part then we'll find another person to do it with her.

Nerry: No way. Let's go. Ano pang hinihintay niyo jan? Ang babagal niyo. Malalate na tayo oh.

Atat na sabi ni Nerry habang nakanganga naman ang lahat sa agarang pagbago ng desisyon ni guy.

Mikaela: Weirdo...

........

Bzallereader:

Haha so iniba ko na yung username ko pero dahil nasimulan ko na yung bzallereader ay ipagpapatuloy ko na. Ganyan ako ka weird and confusing haha. Salamat ulet and baboosh.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon