1st Day: Kidding

34 3 2
                                    

...ris. Chris. Gising.

Unti-unting napamulat si girl at tumambad sa kanyang harapan, walang iba kundi si Keiy.

Keiy: Hay. Salamat naman at gising ka na rin.

Kinusot ni Christel ang kanyang mga mata at napastretch.

Christel: Ouie, Keiy ikaw pala yan. Anong kailangan mo?

Nanatili pa ring nakaupo si girl sa kanyang upuan.

Keiy: Ah, wala naman. Ginising lang kita baka malipasan ka ng gutom. Alas dose na at naglunch na lahat. Tayo na lang ata di pa nakakain.

Pagkasabi nun ni Keiy ay napalingon naman si girl at nakita na sila na lang ang naiwan sa stadium.

Christel: Leche talaga yung Peg na yun. Umandar na naman ang pagkamedusa at pinabayaan lang akong nakatulog dito. Mga walang hiya naman yung mga kumag. Wala naman lang nagmalasakit na gisingin ako. Pagnakita ko mga yun, isa isa ko silang sisipain. Makikita nila.

Bulong niya sa sarili.

Christel: Salamat ng maramihan Keiy, ha?

Keiy: No problem. Wanna grab some lunch together? I want to tell you my answer para kanina.

Christel: Sure. Sure... Tara?

Tumayo na si girl at nagsimula na silang maglakad palabas nang dumating si Nerry at Yam.

Yam: Ooh la la. What is happening here? Nagtataksil ka friend sa  palalabs mo? Eh, parang kanina lang ang sweet sweet niyong pa nga habang gumawa ng kababalaghan. Nagsawa ka na agad? Tsk. Friend, bad yan.

Exagerated na sabi ng kaibigan ng ating bida and she just rolled her eyes.

Keiy: Hala ba ka makasama lang ako sa love team niyo. Maya na lang tayo usap.

Pabulong na sabi ni Keiy kay Christel.

Christel: Wag mong pansinin ang gurang na yan. Isa yan sa qualities niya, ang matabil ang dila. Sorry kung napasubo kita. Okay lang naman magdecline ka.

Keiy just smiled.

Yam: Ouie anong pibagbubulong bulangan niyo? Huli na kayo sa akto nagpaplano pa kayo ng palusot? Okay lang yang Nerry andito pa naman ako pag nagtataksil yang kaibigan ko.

Nerry: Haha nakakatawa ka talaga Yamie. Hi, babes sabay tayo lunch?

Christel: Sabing wag mo akong tawaging babes. You hear me Nerio?

Keiy: Hala may endearment na pala kayo?

Sianamaan niya ng tingin si Keiy.

Keiy: Joke.

Nerry: Sige na Krista. Alam ko namang gutom na yang mga alaga mo. Naririnig na namin ang kulo, oh.

Christel: Isa pa Nerio papakainin talaga kita ng kamao.

Nerry: Ay, I like you too.

Yam: Ehem... Balita balita, may bagyo pong dadating na nagngangalang Forever. Mag ingat sa monsoong Nerris na maghahasik nito.

Inimitate ni Yam ang isang weather forecaster sa tv. Napatawa naman si Keiy sa sinabi ni Yam.

Keiy: Thanks Chris. Talk to you next time.

Paalam ni Keiy while dragging along Yam.

Yam: Hoi! Gwapong lalaking walang modo. Bitiwan mo nga ako!

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon