Chapter 1

492 17 3
                                    

Kung meron man pong pagkakatulad etong story na to sa anumang story ay hindi po sinasadya. Lahat po ng mga pangyayari dito ay puro imagination ko lamang. Salamat po. :DD 

This is how the story works:

-Yung mga italic na words ay thoughts po ng character na nag-p-POV.

-Sound effects po yung may ganto: **

-Music is playing naman pag ganto: ♪♫

Haha XD

Enjoy! ◦◕‿◕◦

_____________________________________________________________

 > Lizi's POV <

**Knock knock knock**

"Liz gising na. May pasok ka na ngayon."

Humikab muna ako bago sumagot. "Kanina pa ako gising manang. Nagbibihis na po. Bababa na ko maya-maya." sagot ko kay manang Inna. 

Pagkatapos kong mag-ayos ay naglakad na ako palabas ng kwarto. Nasa 2nd floor ng bahay yung room ko kaya dumiretso ako papunta ng hagdan. Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang may humawak sa tuktok ng ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Good morning Lizi."

I glared at him. "Pssh. Ano ba yan kuya Sean! Kita mo nang maayos na yung buhok ko ginulo mo pa!" angil ko sa kanya. Hindi naman talaga ako naiinis sa kanya e. Acting lang to XD. Ganto lang talaga kaming magkapatid.

"Whoa. High blood ka? O baka naman menopause? Ang sungit mo ah. Binati na nga kita ng good morning e." 

"Edi good morning din!  Pwede kang mag-greet ng di namimerwisyo alam mo ba yun?" sagot ko ulit.

May tumawa sa likod namin kaya napalingon kami. "Calm down KIDS. Chill lang kayo okay? It's too early for a fight." narinig kong sabi ni Kuya Ethan.

"Kelangan pa talagang i-emphasize yung 'kids'?" bulong ko sa sarili ko. "Naku palibhasa matandang hukluban na." I secretly grinned.

"Lizi. May sinasabi ka?" - Kuya Ethan (o.O)

"Alam mo bang pag nagsasalita ka raw mag-isa sign na yan ng katandaan?" - Kuya Sean :D

"Nope, wala akong sinabi kuya Ethan." Lumingon ako sa Kuya Sean ko at nagsalita. "At saan mo naman nakuha yang FACT na yan aber?"

"Naisip ko lang. Alam mo naman ako matalino parang Encyclopedia ang isip." sagot niya.

I grinned. "Encyclopedia? That's old school kuya" tinapik ko ang kaliwang balikat niya. " High tech na tayo ngayon meron ng tinatawag na IN-TER-NET."

Sila ang mga kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid. Si Kuya Ethan ang panganay sa amin. He's twenty-three, humble, good-looking, tall, smart and takot ako sa kanya xD. FORTUNATELY di siya kasing maloko ni Kuya Sean. He's a Certified Public Accountant, nagtratrabaho siya ngayon sa company ng dad ko. 

Tapos middle child naman si Kuya Sean. He's eighteen, also smart at kahit na mas bata siya kay Kuya Ethan medyo mas matangkad siya. Gwapo siya sabi ng mga babae niya. (Ang bias ko nuh? Haha. Sige na nga gwapo naman talaga siya.) Ewan ko ba diyan kung bakit ang hilig sa babae. I'm just glad na di siya napapahamak sa mga kalokohan niya. Pareho sila ng pinapasukang university ni Kuya Ethan. He's taking up Bussiness Management.

At ako ang bunso at nag-iisang babae. I'm Lizi Leigh by the way. Fifteen years old. Maganda ako, tahimik, sexy, cute, gorgeous, elegant, charming, alluring, attractive and stunning. Bwahaha. Joke lang. ( ^___^ )V Honestly, kung pano kaganda ang physical features ng mga kuya ko kabaliktaran naman yung sakin. I'm plain and ordinary.  Unfair yung nagsulat ng character ko di ba? Sabi nga ni Kuya Sean baka ampon lang ako, alam ko namang biro lang yun pero ang sarap niya talagang ipakain sa pating -_- Pasalamat pa rin ako kasi kahit papano matalino ako. Wag kayong mag-alala di na 'to joke, kahit papano biniyayaan ako ng author. 

A Game with THE PLAYER  [On Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon