Chapter 5

190 14 10
                                    

May binago po akong mga words sa fourth chapter pero sa last part lang naman. Di niyo na rin po kelangang basahin pa ulit kasi andito na po yun. Hehe. :DD

.............................................................................

> Lizi's POV <

  

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay, I went straight to my room, nagpunta ng banyo at naghilamos. Pinakatitigan ko yung reflection ko sa salamin. Nagbabakasakaling namalikmata lang ako kanina. Namalikmata lang kaya talaga ako? Syempre Hindi. Napailing ako. Waw ha. Imagination ko lang lahat ng yun? Tsss. Walanjong imagination. -_-" Ang OA ko naman parang si Shundrei lang e. Tsk. 

*~*~ flashback ~*~*

"Lalalalala...." pagkanta ko gamit ang tono ng ringtone ko habang masayang naglalakad.

Malapit na ako sa bahay namin, dalawang crossing na lang. Lumingon muna ako left to right bago tumawid sa unang crossing pero paglingon ko sa kanan ay may nahagip ang mga mata ko. Nakita ko siya. Si Shundrei. Mga fifteen meters ang layo sa akin. Kabababa pa lang ata ng kotse nila. Aah, tama. Sa pagkakaalala ko dito sa kalyeng 'to ang bahay nila.

Pero kasunod niya ay may bumabang tatlong babae. Napahinto ako paglalakad.

Gusto niyo bang idescribe ko sa inyo yung mga babae? Idedescribe ko pa rin sa ayaw at sa gusto niyo. 

Ang isa sa mga babaeng yun ay nakashorts ng napakaikli at nakasuot ng blouse na parang bra naman ang haba.  Hindi ko alam kung anong tawag dun! Bat kasi naimbento ang mga ganun klaseng damit. Basta yung damit pangtaas na labas ang tiyan. Yung babaeng palaka naman nakasuot ng dress este blouse, ahy hindi, dress ata. Ewan. Basta ang iksi ng suot niya. Tapos yung babaeng mukhang tuhod naka-skinny jeans tapos nakasuot ng blouse na nakakasilaw sa dami ng beeds at sobrang fit with matching labas cleavage. Nag-abala pa magsuot ng  blouse e. Ayaw namang takpan yung dapat itago. Pssh.

Pagkababang pagkababa nila ay pumulupot agad silang tatlo kay Drei. 

(A.N: Ang mga susunod na eksena ay rated SPG. Patnubay at gabay ng magulang ang kelangan sa mga batang nagbabasa. XD)

Tapos humalik sa kanya yung isang babae. Yung lalaking yun naman hindi man lang tumutol. What the Ef. WHAT THE HECK IS HE DOING?????!!!! WHAT THE HECK ARE THEY DOING??!!! Bat nakikipaglandian siya sa tatlong babae? Hindi man lang naghintay na makapasok sa bahay. YUCK! SPG! SPG!  ( ゚ Д゚)

Bago pa ako makabawi sa shock ay may sumigaw sa likod ko. "LIZI LEIGH! Anong tinatayo-tayo mo dito sa gitna ng crossing?! Nagpapakamatay ka ba?" sigaw ni kuya Sean na galing sa kung saan mang lupalop at umakbay sa akin. Nilingon ko siya sa likod ko pagkatapos ay may narealize ako. Uh-oh. Patay. Tumingin ako pabalik sa kinaroroonan nila Drei at nakita ko siyang nakatingin sa amin. Shettt. Makasigaw naman kasi tong kuya ko parang wala ng bukas. Ngunit mabilis naman niya iyong binawi at iginiya yung mga kasama niya papasok ng gate nila. Nakita niya ako! Ang idiot mo Lizi! Bat kasi di ka man lang nagtago.

A Game with THE PLAYER  [On Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon