Chapter 6

181 14 5
                                    

Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng A Game With The Player! Tulungan niyo rin po sana akong manghikayat pa ng mga reader! Love you all! (ღˇ◡ˇ)~♥ 

God bless!! 

 ________________________________________________

> Sean's POV <

"The class ends here. Class dismissed." pagpapaalam ni Mr. Castro,  ang matandang professor namin. Mag-aalas sais pa lang pero last subject na namin to ngayong araw. Wuuuhooo !! ☜(⌒▽⌒)☞

Mabilis akong tumayo. "YES! Natapos din!" sigaw ko habang iniuunat ang magkabilang braso. ヽ(´▽')/ 

Napatingin sakin ang ilan sa mga kaklase ko, ang iba ay natatawa. Pati na rin ang professor namin na kasalukuyang nag-aayos pa ng mga gamit.

Nagkamot ako ng ulo tsaka nahihiyang nginitian ko si Mr. Castro. "Hehe. Sorry sir, nadala lang."

(* ̄∇ ̄*)7

Tumingin lang siya sa akin tsaka bumalik sa pag-aayos ng gamit habang umiiling. Nginitian ko rin yung mga kaklase ko para humingi ng paumanhin. "Bye classmates. Mauuna na ko." (^o^)/Pagkatapos nun ay kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng room. Marami akong nakasabay na estudyanteng paalis na rin. Dumiretso ako ng hagdan para bumaba ng building, nasa fourth floor kasi ako,

Pagkarating ko sa third floor ay nakasalubong ko si Matt, isa sa mga matalik na kaibigan ko. "Uy Sean. Nagyayaya si Mike kanina. Punta raw tayo ng Xip." wika niya pagkatapos ay umakbay sa akin. 

(_^∇^)・_・)η

 "Kahit di niyo ako yayain doon ang punta ko." Nakangising sagot ko sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Hahahaha. Astig pare. Mambababae ka na naman." tugon niya sa akin.

"Wahaha. Wag ka ngang magmalinis, gabi-gabi ka rin naman dun e." ganti ko.  ~( ‾▿‾~)

Madalas kaming magtambay sa Xip. Isa iyong bar na pag-aari ng pamilya ng kaibigan naming si Mike. Nagbubukas ang Xip ng alas singko kaya madalas doon ang diretso namin ng mga kaibigan ko pagkatapos ng klase. Doon kami madalas magtambay... syempre para maghanap ng magagandang babae. 

Pagdating namin sa parking lot ng school ay nakita namin si Mike. Nakasandal siya sa kotse niya na nasa pagitan ng kotse namin ni Matt. "Ayan na pala kayo." wika niya ng makita niya kami. Tumayo siya ng diretso tapos nilingon niya ako.

"Sean hinahanap ka pala ni Jean kanina." ngumisi siya ng nang-aasar. (¬‿¬)

"Pagbigyan mo na kasi. Siya ang pinakamagandang babae dito sa university natin pare. Baka nakakalimutan mo." dagdag niya.

Si Jean ang pinakasikat na babae dito sa university. Maganda, sexy at mayaman, but she's a lunatic and a bitch. Sorry sa word pero that's the truth. Marami ang kumakalat na balita na bully siya at matapobre. Maraming babaeng scholar ang nagd-drop dahil sa kanya. Madalas din siyang magpalit ng mga lalakeng kasama. Nagkaroon kami ng ugnayan ni Jean noon (dalawang araw ata di ko na matandaan), ngunit hindi iyon isang romantic relationship. 'Friends with benefits' sabi nga nila.  Kaibigan ko ba siya? Hindi naman e. Kusa siyang lumapit sa akin at dahil mabait akong tao pinagbigyan ko siya ngunit di naglaon ay iniwasan ko rin. Ang hilig niya kasing mang-eskandalo. Sa simula palang ay sinabi ko nang ayaw ko sa commitments pero sa tuwing lalapit ako sa ibang babae ay sinasaktan niya ang mga iyon physically. Napakadesperada niya. Eto ang mahirap sa gwapo e, di mo maiiwasang maobssess sayo ang isang babae. Tsss. Malas. Ayoko sa babaeng kulang-kulang. (⌣_⌣)

"Kung gusto mo ikaw na lang. Ayoko sa baliw pare. Kinikilabutan ako." sagot ko ng umiiling.

Inakbayan kami ni Matt at tinawanan. "Hahahahaha. Hayaan niyo na si Jean, magpapagod rin yun." sabad niya. "Tsaka iniiwasan mo na siya di ba?" tanong niya sa akin. "Magsasawa rin yun sa kakahabol sayo."  

A Game with THE PLAYER  [On Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon