Chapter 3

222 14 1
                                    

> Lizi's POV <

Two weeks have passed since mag-start ang school days. And yes, two weeks na rin ang nakakalipas simula ng incident na yun. Sa tuwing naaalala ko yung nangyari nagkaka-goosebumps pa rin ako. Crush ko nga si Shundrei pero di ko maiwasang mangilabot 'pag naaalala ko yun. Maybe I'm just too naive? Tss. Who cares? Kahit na crush ko siya di ko siya pinagnanasaan! Hanggang paghanga lang ako. You know, 'crush is paghanga' naman talaga di ba? Pasalamat ako at nirerespeto kaming dalawa sa school na 'to kaya  hindi kami nagawan ng kung ano mang chismis. 'Pag nagkataon problema na naman yun. Pero meron pa ring mga babae este mga coloring book na masama ang tingin sa akin. Tss. Mga narrow minded talaga. ( -.-")

Nang makarating ako ng school, diretso agad ako sa locker room. Iniwan ko ang ilan sa mga book ko at nilagay lang sa bag ko yung mga kekelanganin ko sa morning class.

"Pakabait kayo dito ah. Babalikan ko kayo mamayang lunch break." bilin ko sa mga yun. Di naman ako baliw pero I love books. Marami akong natututunan galing sa kanila. Hay. Kung nakakapagsalita lang sana kayo. 

"Pffft. Sige ingat ka." natawa ako ng marinig kong may magsalita sa gilid ko. Nilingon ko si Lee.

"Sabat ka talaga. Di ikaw kinakausap ko." biro ko sa kanya.

"Ang weird mo talaga. Pasalamat ka nga di ka nagmukhang buang sa pagsasalita ng mag-isa e. Tsk-tsk-tsk. Pati ba naman mga gamit kinakausap mo na ngayon? Iumpog na kaya natin ulo mo baka sakaling magtino?" tugon niya ng umiiling.

"No, thanks. Di na kailangan." sabi ko then started pointing at things sa paligid while naming them one by one para ipakitang gumagana pa ng maayos ang utak ko. "Locker, books, bag, shoes, key," huli ko siyang  tinuro. "And monkey." then I grinned. "See? I'm still sane."  

"Yeah right. Though, I'm a monkey prettier than you." ganti niya sakin at benelatan ako.

Tuluyan na kong natawa kaya tumawa na rin siya. Naluluha na ako sa katatawa ng umayos siya ng tayo at nagsimulang magsalita. "Tara na. Hinihintay na siguro tayo ng dalwang yun." Na ang tinutukoy ay sina Zel at Aia. Huminga muna ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko at tumango.

Naglakad na kami papunta ng room. Malapit na kami sa may pintuan ng makita ko si Kendrick Ramirez kasama ang mga barkada niya. Nasa may corridor sila sa tapat ng room nila at nagtatawanan. And as usual mukha na naman siyang gangster sa itsura niya. May hikaw siya sa right ear at blonde ang buhok. Bat ba naghihikaw siya? Di naman magandang tignan sa lalake ang nakahikaw e. Oww. Baka naman bakla? Hmm. Hindi rin. Basagulero e. May basagulerong bakla ba? Natawa ako sa itinatakbo ng isip ko. Tinignan ko ulit si Kendrick. Hindi bagay.

"Go ahead, Lee. There's a thing I have to settle first." nilingon ko si Lee.

"Uhm. Okay." Tsaka napatingin rin sa kinaroroonan nila Kendrick. "Is there anything I can do to help?" naintindihan niya ata ang ibig kong sabihin.

Nag-smile ako at umiling. "Naah. I'm fine."

"Oh.kay. If you say so." tinapik niya ko sa left shoulder ko. "I'll be going then." Tumango na lang ako bilang tugon. Nang makapasok na siya sa room ay humarap ako sa direksyon nila Ken. Huminga muna ako ng malalim at naglakad papunta sa kanila.

"Excuse me." Tumigil sila sa pagkwe-kwentuhan at tumingin sa akin.

"Sorry for the interruption but I have to excuse this friend of yours." tinignan ko si Ken tapos binalik ang tingin sa mga kasama niya. "I hope you won't mind. Thank you." dirediretso akong nagsalita para di na sila makaangal. Hinila ko si Ken sa siko at dinala siya sa part ng corridor na di masyadong matao.

"Tss. What is it again this time Pres? You gonna warn me again?" He smirked. I know he's trying to piss me. Simula ng magpasukan isa na siya ever-present sa listahan ko ng School Problems. Kung di lang ako against sa violence nakatikim na ng super-flying kick 'to galing sa akin. First day pa lang sinabihan ko na siyang labag sa rules yang appearance niya at sinabihan ko na siya na mukha siyang hindi matinong estudyante pero binaliwala lang niya. Pangalwang beses na warning na niya tong ngayon. But atleast, he's wearing his uniform this time. Untidy ng lang. ( ___ ___")

"Way to go Kendrick Ramirez. I'm glad that you're wearing your uniform. Good job." sabi ko ng seryoso.

"Well, thank you?" tugon niya with sarcasm.

"You're welcome." ganti ko, still eying him. "But you should at least button your shirt up." Hindi man lang kasi siya nag-effort na ibutones yung polo niya kaya nakabukas lang yun. Nakasando naman siya sa loob pero di pa rin talaga magandang tignan.

"Pati kelangan mo ring magsuot ng necktie." dagdag ko.

"Damn it. Can you please give me a break? I told you I don't care about your shitty rules. Leave me alone. You're ticking me off." sabi niya tsaka naglakad paalis.

"For pete's sake Ken! What's so hard in trying to follow the rules? This is considered your second warning Ken!" nakatingin ako sa likod niya na palayo sa akin. Hindi man lang siya lumingon. My patience snapped. "Gawin mo pa ito for the third time and you'll get what you want!" sigaw ko sa kanya. Naku. Bat  ba kasi kelangan pang hanggang third offense pa bago maparusahan ang mga law breakers ng school? Palibhasa hindi ang headmaster ang nagpapakahirap magsaway kaya niya inimbento tong condition na to.

 "Hey, miss. Alam mo bang violation ng school rules ang pagsigaw sa hallway?" may nagsalita sa likod ko. SHET. Kilala ko tong boses na 'to. Langya naman oh. Nakalimutan kong bawal sumigaw, nakakaasar naman kasi yung lalakeng yun.

Nilingon ko siya. "Uhmmm. Ikaw pala Drei. Hindi ako sumisigaw. Kinakausap ko lang yung lalaking yun." palusot ko. Bat sa dinami-rami ng mga estudyante dito siya pa ang nakarinig sa akin? Malas. ( ___ ___")

" You should be aware of what you're doing Lizi. Its not good if the president's one of the law breakers." sabi niya ng nakangiti sa akin at walang lingon likod na dumiretso sa classroom namin. NAMIN. Classmate ko siya. Actually siya ang top one sa klase namin, ng star section. Nagtaka nga kami kung bat sa position ng vice president siya tumakbo at hindi laban sa akin. Siguro may crush sakin yun? Wahaha. Kidding aside, pasalamat na rin ako sa kanya. Baka umuwi lang ako ng luhaan kung siya ang nakalaban ko. Mas malaki kasi ang population ng mga babae dito sa school kesa mga lalake. Sigurado akong lahat ng babae siya ang iboboto.  Hindi pala lahat. Except yung tatlong best friend ko. Hearthrob kasi yan dito sa school. Sabi kasi nila siya raw si 'Mr. Perfect'. Totoo naman e.

Narinig kong tumunog ang first bell kaya sumunod na rin akong papasok ng room namin. Dumiretso agad ako sa may upuan ko at umupo.Gaya ng nakasanayan may kanya-kanyang mundo ang mga tao dito. May mga nagchi-chismisan, nagpapayabangan at meron rin naman yung mga tahimik lang na nagbabasa, gaya ng nasa likod kong si Drei. 

"President Lizi may ibabalita kami sayo!" sigaw ni Zel. Lumapit sa akin yung mga best friend ko.

"Ano yun?" curious na tugon ko.

"I found an article about you sa underground website ng school natin. Nalaman nila y--" naputol yung sinasabi ni Aia ng dumating yung teacher namin. 

"Class! Go back to your seats!" sigaw ng teacher namin. Tumunog na pala yung second bell ng hindi namin napapansin.

"Mamaya na lang Lizi." sabi ni Lee at hinila sina Aia at Zel tsaka bumalik sa kanya-kanyang nilang seats. Ano kaya yun? Argh! Bad trip ka naman author! Pabitin effect pa e! Tsssss.

TO BE CONTINUED.....  ◦◕‿◕◦

*~CrimsonWitch ღ

A Game with THE PLAYER  [On Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon