[Panay ang kain at inom ni Ziezha sa Nagaraya at Fit ‘n Right niya na katabi ng laptop niya habang ginagawa niya ang project nila na Video Rentals.
She takes a look on her alarm clock on her side table. It’s almost eleven in the evening. Dapat mataas na ang natapos niya sa project nilang iyon. Pero heto siya – shunga. Ni wala nang pumapasok na code sa utak niya kahit konti. Andun lang siya nakatunganga sa laptop niya na kanina pa nag-automatically hibernate dahil hindi ginagalaw. Gusto na niya itong matapos para hindi na siya mag-ru-rush when the deadline comes. Hinatak-hatak niya ang mga daliri niya para patunugin, saka nag-stretch at huminga ng malalim. She needed to focus. Ang kaso, pagkakita niya ulit sa code ng system nila ay natigilan siya. Ayaw talaga makisama ng ‘lanyang isip niya.]
“Shukneneng naman, o!” Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration. “Makisama ka naman, pleazzzzeee! ><”
[She knew she needed to unwind and relax. Dahil kapag hindi pa niya ginawa ‘yon, t’yak na mababaliw na siya.
And she knew exactly what she needed.
Mabilis na hinubad niya ang kanyang damit at nagtungo sa closet room niya. She wore a silk short and an undershirt, tapos pinatungan niya ng napaka-loose na bathrobe. Sa papa niya ‘yon exactly, hiningi niya. Tinalian niya ang maiksi niyang buhok kahit hindi na kailangan. May mga hibla pang naiiwan pero wala siyang pakialam, basta gusto niya kahit papaano makaramdam siya ng may nakatali sa buhok niya nang mahigpit. Nami-miss na rin niya ang mahaba niyang buhok.
She looked at herself on her full-length mirror sa isang sulok ng kwarto niya. Siguradong mapagkakamalan na naman siyang white lady o ano sa hitsura niya. Pero wala siyang pakialam. She knows na medyo weird ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay niya lalo na kapag naisipan niyang gumawa ng kakaibang trip lalo na sa kalagitnaan nang gabi at sa madaling araw kapag gising pa siya sa mga oras na ‘yon.]
Care ba nila? sabi ng napapraning kong isip pagkatapos patayin ang lahat ng ilaw sa bahay ko. At care ko rin sa kanila?
[Pagkatapos niyang dalhin ang dapat niyang dalhin ay lumabas na siya ng bahay niya. Nagdahan-dahan lang siyang maglakad habang nag-iisip kung ano ang gagawin niya sakaling hindi pa siya makatulog after niyang maligo sa public pool ng subdivision nila. Alam niyang walang ibang taong naliligo dun sa ganitong oras ng gabi. Sinong bang baliw ang maliligo sa kalagitnaan ng gabi? Duh.
Nangangalahati na siya sa tinatahak niyang daan papunta sa public pool nila nang may biglang tumawag sa kanya. She wrapped up all of her thoughts before she turned to see kung sino ang tumatawag sa kanya.
It was Travor. Nakasandal ito sa kotse niya.]
“Zee!” tawag ni Kuya Travor sa akin.
“Yup?” sabi ko then I blew the hair that was blocking my sight.
“There’s somebody I want you to meet.” animals nito.
Napataas naman ang isang kilay ko. “Who?”
May itinuro si Kuya Trav sa tapat ng gate nila. Mukhang masyado na naman akong na-detach sa mundo at hindi ko naisip na may posibleng kasama at kausap si Kuya ^.^V. Noon ko lang kasi napansin na may isang katangkarang lalaking tila hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
“Sino naman ito, kabit mo?” tanong ko kay Kuya Trav habang nakatingin sa lalaking tinuro.
Narinig kong tumawa si Kuya Trav. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kasama niyang titig na titig sa akin. I already have the idea of what is running in his mind on that specific time.