"Hey, you!"
Sigaw ng isang girl sa akin. Alam kong ako ang tinatawag nito dahil wala namang ibang tao sa corridor maliban sa akin. Nilingon ko siya... sila pala.
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"May ibang tao pa ba dito maliban sa'yo?"
"So meaning hindi ka tao?" pasimpleng pamimilosopo ko sa kanya. Akala mo, ha. :P
"Shut up!" pakli niya sa akin.
"I have been," medyo mataray na sabi ko pagkatapos ay tumalikod.
Lumapit ang girl sa akin at pinaharap ako sa kanya. "Hoy, 'wag kang bastos. Kinakausap pa kita."
"Oh, I'm sorry. I thought you told me to shut up? And, hoy, din, may pangalan ako. But I bet you know that." Tinarayan ko siya.
"I have a name, too, so don't call me 'Hoy.'"
Nginitian ko ito ng plastic, "Of course you have; and so am I."
Nag-init naman ang ulo niya at hindi na makapagpigil. "Zeizha! You leave my boyfriend alone!"
Here we go again. Tzz. -_-
I sighed. "Your boyfriend? Hmm, tell me, sino sa mga boyfriend mo ang dapat kong layuan this time?" o_O
[Author's POV]
[She knows na playgirl si Colleen. Mabilis pa ito magpalit ng boyfriend kesa sa magbihis. Kabi-kabila ang boyfriend nito at lucky for her hindi pa siya nabibisto ng mga ito. Magaling daw siya magtago at gumawa ng mga rason, eh. Pero wala siyang pakialam sa buhay ng babaeng ito at nang ibang tao. Good luck to her na lang if ever. XD]
"You..." naniningkit na mga mata na sabi niya sa akin. "Just leave Ansen alone! He's mine," pagkatapos ay tumalikod na siya sa akin. I smirked 'tapos ay umiling ng konti. I turn back to my reading and continued.
[She somewhat knew kung sino ang tinutukoy nito na boyfriend. Someone named Xy Ansen Greyson. A graduating Computer Science student at classmate niya sa isa sa mga minor subject niya. Matalino daw ito, makulit, at mahilig din sa kalokohan pero tamad din ito kung minsan. Siya ang current boyfriend ngayon ni Colleen. Pero kawawa lang dahil hindi nito alam na niloloko at isinasabay lang siya nang girlfriend niya sa ibang mga lalaki. Tzk-tzk. And fortunately for her, hindi pa niya ito nakikita ever since na nag-enrol siya sa subject na ito.
Right, hindi pa niya ito nakikilala at nakikita personally. Pawang mga tungkol lang sa kanya ang alam niya rito na nanggaling lang sa mga kaklase nila. Pano ba naman, hindi ito pumapasok sa subject nila. At kung pumasok man ito, either absent siya or late na siya at hindi niya ito naaabutan. At pano naman kaya niya lalayuan ito gayong ni anino nito, eh, hindi niya nakikita o nakita man lang? Tzz. -_-
She is a 3rd year Medical Technology student. She's not supposed to be in their sections. May sarili silang section para sa mga MT students. Ang kaso naubusan siya ng slot kaya she has to be in another section. At napadpad siya dun sa section ng mga CS/IT students. Though siya lang ang nag-iisang MT student sa section na 'yun, di naman siya nahirapan mag-adjust. In fact they're friendly except sa babaeng na-engkwentro niya kanina. Isa itong ACT student; matalino din naman ito; maganda na rin pero napaka-arte at napaka-landi. ]
RRRRRRrriiiinnnnnnnggggggg!
[Bell na; pumasok na siya sa last subject niya nang araw na 'yun na naka-schedule nang panggabi. Dumiretso na agad siya sa upuan niya at sinimulan ang paggawa sa project nila sa subject na 'yun. By partner sila sa project nilang 'yun. Though, supposed to be, hindi siya kasali sa project na 'yun at papagawain nalang siya ng ibang project. But since walang pwedeng mag-trio, she has no choice but to partner one of them. Her professor had asked her if she knew a little about programming. And since she said she was an ACT student before, their professor didn't think twice to partner her with one of her classmates. And that is, Colleen's boyfriend, Ansen.
Nangangalahati na siya sa project nila at lahat-lahat na, pero kahit ni anino talaga nito ay hindi niya makita o maaninag man lang sa room nila na 'yon. She sighed. Sinabi naman sa kanya ng prof nila na minsan lang ito pumapasok sa klase nila since he was a graduating student at may thesis pa ito na malapit na matapos. At maybe next week ay maka-attend na ito sa klase nila regularly. Hai~ nako... hindi na niya alam kung gusto pa ba niya itong makita at makilala. Pero parang ayaw na niya; wag na lang siguro. Tutal naman, makakaya niya rin naman na matapos ang system nila nang wala ito.]
"Okay ka lang ba, Ziezha?" tanong sa akin ng prof namin nang lumapit siya sa akin para kumustahin ang project nila.
"Yes, Sir, okay lang po," sagot k okay Sir Brye. "I'm sure matatapos ko po ito on time."
"Sure you will. But don't worry. I'm sure Ansen can help you now with it next week." Nag-smile lang at tumango ako sa kanya, pagkatapos ay pumunta na siya sa ibang grupo.
She got tired all over when the bell rang. She arranged her stuffs and got out of their room after their prof dismissed them. When she parked her car back home, she heads straight to her room after locking everything and did her nightly routine. When she got all done, she slammed herself on her bed and fall herself asleep to the music.]
-Ansen-
"Finally, tapos na ang thesis."
[Kampante nang humiga si Ansen sa kama niya. Nasa sarili niya itong kwarto kasama ang mga ka-group mates niya sa pagtatapos ng thesis nila. Nakapa-book-bind na sila at napasa na nila ang lahat ng mga requirements na kailangan nila para gr-um-aduate. At ngayon nagse-celebrate na sila sa kwarto niya. They treat their selves for a successful job. ]
"Oo nga. Akala ko matatagalan pa tayo. Tzk, buti nalang hindi," sabi ni Jarron tapos nakipag-apir kay Jarred na kapatid nito. Tatlong member lang sa isang grupo ang set up ng prof nila para daw lahat makagawa sa dapat na gawin nila.
"Buti nga. Pero 'wag niyong kalimutan na may project pa tayo sa isa sa mga minor natin na parang major na rin. Tzz," paalala naman ni Jarred sa kanila.
"Oh, right. Muntik ko na nga makalimutan. May project pa nga pala kami na pinapagawa ni Sir Brye. By partner pa naman 'yun. Sino kaya 'yung partner ko na 'yun?"
"Hahah, hindi mo pa rin siya nakikilala? Di ba pumapasok ka naman minsan?" tanong ni Jarred sa kanya.
"Oo, pero kapag present ako, siya naman ang wala. Hindi ko nga magawa o matingnan man lang ang project namin; hindi ko alam ang id at password niya."
"Bro, nag-text si mommy, pinapauwi na niya tayo," singit ni Jarron sa kanila habang nakatungo sa cellphone niya at nag-ta-type.
Tiningala namin ang wall clock na nasa kwarto ko; it's already pass eleven kaya pala. "Sige, Ansen, mauna na muna kami, ha? Alam mo naman si Mama, over mag-worry."
"Okay lang 'yun," tango ko. "Salamat."
"Sus, salamat sa'yo. Di kami makakapasa kung wala kaming magaling na programmer na tulad mo, eh."
"Sira!" Tumawa ang mga ito. Hinatid ko sila sa pintuan ng condo ko hanggang sa elevator.
"Sige, Sen, salamat ulit. Kita nalang tayo sa school."
"Sige, ingat."