Gabriella's POV
"SUPRISE PRINCESS!" Bungad sakin ng dalawa kong kapatid pag kapasok na pagkapasok ko palang.
-_____-
"Bakit ganyan ang mukha mo princess, hindi ka ba na supresa?" Si Kuya Justin, ang panganay samin tatlo.
"Hindi naman sa ganun, nasabi lang sakin nila mommy na dadating kayo kaya alam ko na" Bigla silang na lungkot. Ay, kasalanan ko pa yata.
"Waaa! Si mommy naman eh. Ba't nya sinabi sayo? Akala pa naman namin masusupresa ka." My Childish second brother, Kuya Daniel.
"Ang OA mo kuya hahaha" Sabay hampas sa braso niya.
"Hay, Ikaw talaga princess hindi mo lang ba namiss ang mga gwapo mong kuya?" Kuya daniel said.
"Syempre namiss ko kayo." Sabay group hug namin tatlo.
"Kami din sali!" Biglang sali nila Kayla.
"No, bawal kayo hindi tayo magkapatid!" Masungit na sabi ni kuya justin. Masungit talaga yan. Siya ang pinaka protective samin tatlo siguro kasi siya din ang panganay.
"Ay, ang mean mo talaga kuya justin" T_____T
"Hahaha sungit mo naman kuya, ang tagal na kaya nila naghihintay sainyo!"
Gwapo naman talaga yung dalawa. Si kuya justin medyo malaki ang katawan kasi bukod sa trabaho, gym lang ang pinag tutunuan ng pansin niyan. Habang si kuya daniel naman merong slim body pero bagay na bagay parin ito sakanyan kasi matangkad siya.
"Hahaha! Mga ine halika na kayo at tulungan niyo kong ihanda ang hapunan. Masama pinapaghintay ang pagkain" Tawag ni Nanay Rosie sa tatlo babae kasambahay namin.
"Opo nay"
Wow, ang daming pagkain. This is life!
Sila Tatay Jose, Kath, Sabell and Kayla nakatayo sa gilid namin habang si nanay rossie naman nasa kitchen at nagaayos pa.
"Grabe namiss ko tong gantong kadaming pagkain puro noodles lang nakakain ko sa korea tapos minsan instant noodles pa" Kwento ni Kuya Daniel.
"Bakit kuya hindi ba kayo nakakain ng maayos doon?" Tanong ko.
"Nako, Princess maniwala ka dyan eh napaka daming kumain nyan dun" Pagbubuko naman ni Kuya Justin.
"Ulul naman!" Tatawa naman sabi ni Kuya Daniel.
"Ano ba naman kayo nasa pagkain kayo" Sabi ni manang habang dala dala yung Kaldareta.
"Lagot" Pang-aasar namin ni Kuya Justin kay Kuya Daniel.
"Tsk.." Masungit pero pabiro na sabi ni Kuya Daniel. Habang si kuya justin ay kumindat sakin pabiro.
"Kumain na tayo. Sumabay na kayo samin Tatay Jose saka kayong tatlong babae" Kuya justin said. Nahihiya siguro sila. Pag kami lang nandito sabay-sabay kami kumakain eh.
"Yes Sir!"
"Saka wag na Sir ang tawag nyo sakin Justin nalang ho Tatay Jose at kay Daniel naman po panget nalang tawag nyo sakanya. It's suit him well naman." Biro niya. Ang lakas talaga mag asaran nitong dalawang to parang mga bata.
Nabuga naman ni kuya daniel yung tubig na iniinom niya. Wala talagang manners tong si kuya daniel.
"Hoy! Anong pangit? Ikaw kuya Namumuro ka na ah! Susumbong kita kila mommy talaga" Sabay simangot ni kuya daniel.
Tawanan naman kaming lahat. Yes, OA talaga siya.
"Tama na yan mga anak, kumain na tayo"
"Opo" Masigla naming tugon sabay kuha ng mga pagkain.
Kulang nalang sila mommy at daddy at kumpleto na din kami.