"Itaga mo 'to sa bato Daniel! Hinding hindi ako mai-inlove sa kagaya mo! Basag-ulo ang alam! Buong buhay ko wala kang ginawa kundi pahirapan ako! Sinong namang mahuhulog sa kagaya mong ang utak ay puro hangin ang laman?!"Napamaang siya sa sinabi ko. Gulat at sakit ang nakita ko sa mukha niya. Alam kong below the belt ang nabitawan kong salita, pero hindi ko na talaga napigilan. Maging ako ay nagulat sa nasabi ko.
Pero kahit ganon, tinignan niya ako sa mata ng may buong pagmamahal. Namumula ang kanyang mata. Tila kinakausap ako ng mga mata niya.
"Pangako ko sa'yo Kathryn...magbabago ako. Magbabago ako para sayo. Magbabago ako para mahalin mo rin ako. Magbabago ako. Mamahalin mo rin ako. Pinapangako ko sayo.
***"Hey, are you okay?"
I am sitting here on a bench, waiting for my cousins. Crying...
"Missy, are you okay?"
Napatingin ako sa lalaking naka-blue polo shirt at may blonde na buhok. Ni hindi ko namalayang nakalapit na pala saakin.
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang dulo ng dress na suot ko."Strawberry?"
Napatingin ako sa lalaking ito na natatawa pero halatang pinipigilan niya. Strawberry? Ano daw? Iisipin ko na sanang ang weirdo niya kung hindi ko lang naalala na may print palang strawberry ang panty ko!
Nakita niya yung panty ko noong itinaas ko ang bistidang suot ko!Paniguradong namumula na ang buong mukha ko! Lalaki pa naman siya! Nahihiyang napatingin ako sakanya.
"Here, use this. Next time, wipe your face with a hanky. Not your dress."
Inabot niya saakin ang panyong mayroong strawberry na bulsa, na mukhang hindi din ata niya alam kaya natawa siya. Nahihiya tuloy lalo ako.
"Ooops, sorry. Hindi ko alam. Sige na, gamitin mo na yan."
Nagpasalamat ako sakanya. Pinunasan ko ang mukha kong may natira pang luha at sipon.
"Ba't ka nga pala umiiyak?"
Sa tanong niyang iyon, naalala ko tuloy ang dahilan kung bakit ako umiiyak kanina. Naiiyak na naman tuloy ako!
"Aalis na kasi kami. Pupunta na kaming America."
"Talaga? Eh bakit ka umiiyak? Hindi ba maganda dun? Marami atang tao na pinangarap makapunta dun."
"Eh kasi pag nandun na ako, iiwan ko sila Ate Nadine ko, pati si Kat kat. Malulungkot na ko, pati sila."
"Pwede mo naman siguro silang bisitahin, o sila ang bibisita sayo doon. Anyway, what's your name?"
"Hopie. Ikaw?"
"I'm Quen. How old are you?"
"I just turned 8 last January. Ikaw ba?"
"Thirteen."
Itatanong ko pa sana kung saan siya nakatira nang narinig ko ang mga pinsan kong tinatawag ang pangalan ko.
"Ah, Quen, I have to go. Bye! Thanks for the hanky!"
Patakbo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Hopie, see you when you reached 18."
"Really?"
"Of course!"
"Pinky promise?"
"Pinky--wait, dapat may iiwan ka ding promise saakin."
Inilapit ko ang hinliliit ko sakanya.
Sabay sabing..."Someday Quen, I will marry you."
At sabay naming sinabi...
"Pinky promise."
***"Alagaan mo ang sarili mo dun. Wag na wag mong pababayaan ang likod mo pag basa. Mag-iingat ka palagi. Wala ako sa tabi mo dun para alagaan ka. Ha?"
"Yes wifey. You too. Wag kang magpapalipas ng pagkain. Wag kang magpapaligaw! Pababantayan kita kay Daniel habang wala ako."
"Asus! Baka ikaw ang manligaw doon! Jusko ka James! Umayos ka ha!"
"Yes ma'am! Good boy 'to noh! At ikaw lang ang mahal ko. Ikaw. Ikaw. At ikaw lang."
Napangiti ako. Ang sweet talaga niya. Inayos ko ang collar ng polo niya.
"Mamimiss kita. Babalik ka ha?"
"Oo naman. Kapag mahal ka, babalikan ka. That's a promise."
***Tatlong iba-ibang kwento.
Tatlong pangakong binitiwan.
Ito nga ba'y kaya nilang panindigan?
O mauuwi ang lahat sa kabiguan at bandang huli sila'y magiging luhaan?
**ABANGAN.
HAHAHAHA! Ang dakilang fangirl na gaya ko ay gagawa ng kwentong gaya nito. XD Don't expect too much, because it will just lead you to disappointment. Lol! Joke lang. Magttype lang ako ng magttype ng kung ano ang papasok sa isip ko. :)Obviously, this is a fan fiction of KathNiel, LizQuen and of course...my favorite OTP, JaDine! Don't worry I won't be biased here. I love them all pero siyempre. :D And just an early reminder, hindi LAHAT ng isusulat ko rito ay totoo. Purely fiction lang talaga. Kung hanggang saan ang abot ng imaginations ko, dun lang talaga.
Umpisa palang mag-sosorri na aku sa wrong grammar at typu grapikal irur. HAHAHAHALOL XD
Ginawa ko 'to para dito man lang magkasama talaga ang tatlong OTP ko. :)
Walang mag-aaway ha, at wag niyo kong aawayin. Sabi nga ni Quen, ONE FOR LOVE!Xoxo,
NyllStarted: October 15, 2015