Nadine
Pinunasan ko ang luhang pumatak mula saaking mata. Stupid Nadine! Stop it! It's been what? 5? 6 years? Urgh!
Habang pinapagalitan ko ang sarili ko ay bigla nalang pumasok si Kath na hawak ang iPad niya.
"Ate, okay ka lang?"
Mukhang medyo nag-aalangan pa siyang nagtanong. Marahil tinatantiya niya ako.
Ngumiti ako sakanya. "Oo naman."
Mula sa kanyang iPad ay nagsalita si Liza. Ka-skype pala niya. Hinarap sakin ni Kath ang iPad niya. Nakita ko si Liza nakaupo sakanyang kama at nag-aalala.
"Siya na naman ba?" Malungkot na napabuntong hininga si Liza. Tumabi naman si Kath saakin. Inayos niya ang buhok ko at inilagay niya sa isang side ng balikat ko.
"Don't mind me. Naalala ko lang siya. Si Lola kasi, nagluto ng sinigang. Ayan tuloy. I'm okay, I'm fine, don't worry about me." Ngumiti ako sakanilang dalawa.
"Lagi nalang bang ganyan? Lagi mo nalang siyang naaalala sa mga maliliit na bagay. Akala mo ba hindi ko napapansin na sa maliit na bagay lang eh nalulungkot ka na? Kada mag-uulam nalang ba tayo ng sinigang na baboy, iiyak ka nalang? Don't you think it's about time na tumikim ka naman ng ibang ulam? New life, lovelife, new beginning? Nadine ang tagal na din."
"Oo nga Nadz, dapat nga matagal na eh. Dapat matagal mo ng ginawang mag-move on. Hinahayaan ka lang namin, pero this time parang sobrang tagal naman na yan."
Segunda ni Kath.Natawa nalang ako sakanilang dalawa. Parang mas matanda pa sakin kung makapagsalita. Minsan ay tinatawag nila akong "ate" minsan nama'y sa pangalan ko lang. It doesn't matter anyway, ilang taon lang naman ang agwat naming tatlo. At nirerespeto naman nila ako.
"Relax girls, I'm fine. Naalala ko lang talaga siya. Okay, this will be the last time. Hindi na mauulit."
Ngumiti ako sakanila ng pagkalawak lawak para hindi na sila mag-alala."Sure ka?" Tanong ni Liza.
"Oo naman! Maiba ako, kailan ang uwi mo dito?"
Doon napalitan ang expression ng mukha niya at naging parang excited yata.
"Ilang buwan nalang makakauwi na ako! Aayusin ko nalang mga papers ko sa school and then pwedeng pwede na akong lumipad papunta jan." Sagot ni Liza. Napatili kaming tatlo! Nasa America kasi siya ngayon at doon nag-aaral. At ngayong mag-cocollege na siya, pinili niyang dito nalang sa Pilipinas magpatuloy.
"Sa wakas makakasama ka na namin!" Excited na sabi ni Kath. It's been 10 years na sa America siya nag-stay. Minsan lang siya kung magbakasyon dito but we are still close kahit malayo siya samin. She can speak Tagalog fluently but her accent is still there. It's cute though! Parang siya... Ayan ka na naman Nadz! Erase!
"Makakapag-shopping na tayo! Si Nadz kasi niyayaya ko palagi, bihira lang sumama. Imbyerna! Puro visual aids at class record kaharap pag nandito!" Nagtatampong sabi ni Kath.
"Bihira? You mean last week?"
Napatawa kaming tatlo.
"Eh kasi eh! May gusto talaga akong balikan dun."
"Okay okay. Mamaya pupunta tayo. At ikaw Liza, pag uwi mo, magbobonding talaga tayo ng bongga."
"Yehey! This will gonna be exciting!" Liza giggles.
Matapos naming makipag-kwentuhan kay Liza ay bumaba na kami ni Kath para kumain.
"Oh? Ayos ka lang ba Nadya?" Nag-aalalang tanong ni Lola.
"Opo Lola, ayos na si Ate. Naglabas lang ng sama ng loob." Agad na sagot ni Kath.
Nagulat naman si lola. "Ha? Masama ang loob? Bakit?" Na siyang nagpatawa saamin ni Kath.
"What I mean lola is sa banyo. You know." Saglit na napaisip si lola at natawa nalang. Ito talagang Kath na ito.
Matapos naming kumain ay nagpunta na kaming mall na malapit lang rin saamin. Binili ni Kath ang sling bag na natipuhan niya last time na nagpunta kami. Bumili kami ng ilang damit at umuwi rin agad.
Nag-jeep kami ni Kath pauwi. Nang malapit na ang gate ng village namin ay agad akong pumara pero hindi yata narinig masyado ng driver dahil sa may kalakasang music galing sa stereo ng jeep niya.
"Manong, para!" Mas malakas na sigaw ni Kath pero hindi pa din huminto. Napatingin na ang ilang katabi naming pasahero.
Sumigaw nalang kami ni Kath ng sabay at mas nilakasan. "Manong, para po!" Medyo bumagal ang takbo ng jeep. "May bababa ba?" Pero lumagpas na kami sa gate na bababaan namin.
"Ay wala Kuya. Isama niyo nalang kaya kami sainyo. Nakakahiya naman ang layo na namin! Sulitin na diba?" Sarkastikong sagot ni Kath. Sinaway ko nalang siya at iginiya siya pababa.
"Ay imbyerna! Ka-stress! Ang layo oh! Badtrip si manong!" Nag-ngingitngit na sabi niya.
"In all fairness cute ni manong. Parang minion. Hayaan mo na." Sabay kaming natawa at pumara naman ng tricycle na maghahatid saamin pauwi.