Kathryn
Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung bakit ngayon pa kailangang mag-drop si Kevin sa course niya. Bakit ko siya pinoproblema? Siya kasi ang gaganap na Beast, ang partner ni Belle. Ang partner ko. Pang-apat na araw na namin itong nagre-rehearse for our play at ngayon pa ito mangyayari. Nakakaiyak!
Walang may gustong pumalit dahil si Kevin lang naman ang kaisa-isang nag-audition for this role. He's taking up Bachelor of Arts in English, bakit kasama namin siya? Iisang department kasi kami. College of Arts and Education. Kaya eto problemado ang lola mong maganda. Hayyy!
"Everyone! Everyone! May I have your attention please." Sigaw ng director namin with palakpak pa to get our attention. Lumapit naman kami sakanya. Nagulat ako kasi nasa tabi niya si Daniel. Huh?
"Since wala na nga si Kevin, Daniel from English department will be the Beast for the play. Nakapag-audition na din siya samin nila ma'am kaya approved na. So let's all get back to work!"
Ano?! Totoo ba yung narinig ko? Itong ulupong na 'to ang partner ko? Kapag siniswerte ka nga naman.
"Oh? Tuwang-tuwa ka naman dahil ako ang partner mo? Kung di lang ako pinilit ayaw ko naman eh."
"Excuse me?!--"
"You are excused." Nakangisi pa ang loko!
"Para sabihin ko sayo, ayaw kitang makapareha! Pero sa ayaw ko at sa ayaw ko, wala akong choice kasi kailangan ko 'tong role na 'to."
Inirapan ko nga! Ang kapal! Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Sarap bigwasan!
"Sus! Kunyari ka pa! Umamin ka na. Promise hindi ko ipagkakalat. Peks man." With matching taas pa ng kaliwang kamay na parang nagpa-Panatang Makabayan.
"Promise pero kaliwang kamay naka taas! Kay galing naman! At pwede ba magtigil ka sa kaka-ilusyon mo! Jan ka na nga! Kainis!"
Tinalikuran ko siya at narinig ko pa ang halakhak niya habang naglalakad ako paalis. Abnoy talaga! Kung pwede lang talaga kalbuhin ko na siya kaso wala akong hawak na gunting. Sayang! Di bale next time nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/50786459-288-k126184.jpg)