Kathryn
Takbo!
Kathryn takbo!
Kaya mo yan! Bilisan mo!
Paulit-ulit na sigaw ko sa isip ko at mas lalo ko pang binilisan ang takbo. Tumakbo ako ng sobrang bilis hanggang sa nakapasok na ako sa loob ng gate namin at mabilis kong isinarado.
Naiwan naman ang asong humahabol saakin sa labas na kahol na kahol. Kasunod niya ang amo niyang walang puso!
"Kath-hahahahaha!" Hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi niya dahil tawa siya ng tawa. Bwisit na 'to!
"Kupal ka!" Sigaw ko sakanya habang hinihingal pa dahil sa pagtakbo. Akalain mo ba namang pagkadaan ko sa harap ng bahay nila, pinakawalan at ipinahabol niya ako sa aso niya!
"Grabe Kath! Improving! Bumilis kang tumakbo ah. Akalain mo yun di man lang masyadong nakalapit sayo si Lakas." Sabi niya ng natatawa.
Sa sobrang bwisit ko, isinindi ko ang gripo namin na may hose na ginagamit pandilig at binasa silang dalawa ng aso niya! Huh! Kala niya ha!
"Uy! Ano ba!" Sabay takbo nilang mag-amo. Pumasok na din sa loob ng bahay pagkatapos kong patayin ang gripo at hinayaan ko siyang daldal ng daldal sa labas.
Pagkapasok ko ay agad akong napansin ni Ate Nadz.
"Oh anong nangyari sayo? Bakit pawis na pawis ka?"
"Wala Ate. Bwinisit na naman ng Daniel na yun ang araw ko! Teka lang ha maliligo lang ako saglit."
"Daniel na naman? Away kayo ng away na dalawa."
Hindi na ko sumagot at umakyat nalang sa kwarto ko at naligo. Gaganti ako! Hindi sapat na nabasa ko lang siya! Hindi ako papayag! Saakin ang huling halakhak!
**Thaaanks!
Yung mga ganyang ngiti ni DJ talaga naman! Pusuan! Nood tayong PSY! :D
PS. 10-15-'15
Happy JaDine day pala! :)
19th months and counting. Love love!Xoxo,
Nyll