Kathryn
Daniel John Padilla.
Mayaman.
Mayabang.
Mayabang.
Masama ugali.
Masama ugali.
Masama ugali.
Sobrang sama ng ugali.
Mula pagkabata, lagi niya akong inaaway. Hindi ko alam kung bakit lagi niya akong binubully. Nursery, kindergarten, preparatory, grade school, classmate ko siya at always present yan sa pang aalaska saakin.
Hindi talaga ako lumalaban nung una, hindi dahil sa takot ako pero dahil nandito pa ang parents ko at ayaw ko namang ipatawag sila sa principal's office kapag napadugo ko ang nguso ng Daniel na yun!
Pero ng ma-destino ang parents ko sa ibang bansa noong mag highschool ako, napapatulan ko na ang gunggong na Daniel na yun!
Kung noon lagi niyang inaagaw ang notebook ko tuwing may quiz o homeworks kami para mangopya, ngayon dudugo muna ang kamay niya bago niya magawa.
Kung dati ay nilalagyan niya ng chewing gum ang buhok ko kapag trip niya, ngayon pipilipitin ko muna ang dila niya bago pa niya manguya ang chewing gum niya.
Pero kahit nilalabanan ko na siya ngayon, hindi ibig sabihin na nasisindak siya.
At dahil sa ginawa niya sakin kahapon, eto ako at papunta na sa classroom naming walang katao tao. Siyempre inagahan ko talaga ang pagpasok para sa revenge ko sakanya.
Lumapit ako sa upuan niya at dala ko ang martilyong hiniram ko kay manong janitor. May assigned seats kami, at permanent iyon para raw maayos ang seat plan namin. Tinatanggal ko ang pako ng upuan niya, pero hindi ko tuluyang tinanggal. Medyo nakabaon pa din naman pero hindi na matibay ang pagkakapako.
Nang masiguro kong hindi mahahalata ang ginawa ko, ibinalik ko na ang martilyo at nagpuntang canteen na may ngiti sa labi.
8:00 AM. Saktong pagpasok ng instructor namin sa General Psychology. Napatingin ako sa upuan ni Daniel na bakante pa din. What do you expect? Ang gagong tulad niya, hindi pumapasok ng maaga.
8:44 AM. 1...2...3... Saktong 8:45 AM nang pumasok si Daniel sa classroom. Gusot ang polo, pawis na pawis at nakasabit ang jacket sa balikat. Wala man lang dalang bag ang ungas!
"You are late again Mr. Padilla!"
Ngumiti lang ang kupal at naglakad papunta sa kanyang upuan. Tinititigan ko siya. This is it! Binilang ko talaga ang hakbang niya. Ayan na... Malapit na! 3...2...1!!!
LAGLAG!
Nagtawanan ang buong klase sa pagkahulog ni Daniel. Maging si Mr. Duterte ay tawang tawa. Habang si Daniel ay hawak ang kanyang puwitan at halatang nasaktan. Awwwww...
Tinitigan naman niya ako ng matalim. Alphabetically arranged ang upuan namin at dahil Bernardo ako at Padilla siya, mula rito sa harapan ay kita ko ang talim ng titig niya saakin. Scary! Lol!
All 1!
***
I am not even sure kung may nagbabasa ba nito. Pero sige lang, kunyari lahat nalang ng naiimagine kong gusto kong mangyari sakanila, dito ko ilalabas. :DNext update will be JaDine moment. :)
Thank you!
PS. Ang ganda ng trailer ng 'Everyday I love you' ng LizQuen. Na-miss ko din si Gerald sa big screen. KimErald was my first ever OTP. Grade 2 pa ko 'nun. Hahaha! Wala share lang. :D
Xoxo,
Nyll