Nadine
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Hindi na naman ibinaba ni Kath ang kurtina sa kwarto. Speaking of Kath, napatingin ako sa kama niya at nakitang wala na siya doon. Baka pumasok na sa school.
May tatlong kama itong kwarto namin at kaming tatlo nila Kathryn at Liza ang natutulog dito. Pero dahil nasa America na si Liza, kami lang ni Kath ang natutulog sa kwartong to.
Na-miss ko tuloy ang pinsan kong yun!Alas diyes na pala ng umaga. Hindi pa ako nag-aalmusal. Nahuli ako ng gising dahil tinapos ko pa ang lesson plan ko kagabi. Obviously, I am a teacher. Walang pasok ang mga bata ngayon dahil it's our school's anniversary. Sa Lunes ay magaganap ang celebration ng aming anniversary.
Dumiretso ako sa kusina at nakita ang Lola namin na nagluluto para na siguro sa tanghalian. Napalingon naman siya saakin ng marinig niya akong papalapit.
"Oh hija, bakit gumising ka agad? Sana'y natulog ka muna ng makapagpahinga ka ng mabuti. Alam kong parati ka nalang pagod sa trabaho."
"Lola naman, tama na po yung ganung tulog. Nakapagpahinga naman na po ako ng maayos. Anong oras nga po pala ang uwi ni Kath?"
"Mga 11:30 siguro nandito na yun. Iisang klase lang daw ang pasok niya ngayon. Ewan ko ba sa batang iyon at napakaagang pumasok kanina kumpara sa pasok niya noon."
"Baka may gagawin pa sa school, La. Ano po ang lulutuin ninyo? Mukhang masarap ah. Tulungan ko na po kayo."
"Sinigang na baboy."
Sinigang na baboy... After hearing that, memories filled my thoughts...
"Heto na! Ang paborito mong sinigang na baboy!"
At inilapag ko sa mesa ang isang mangkok na sinigang na baboy na niluto ko para sa lalaking mahal na mahal ko.
"Uy! Amoy palang nakakagutom na!"
"Sus! Sige na, kumain ka na nang makainom ka na ng gamot mo."
Kumuha siya ng kutsara at humigop ng sabaw. Mukhang sarap na sarap. Nandito ako ngayon sa bahay nila para ipagluto siya ng paborito niya dahil may sakit siya.
"Ang sarap talaga! Hindi ko na kailangang uminom ng gamot. I am feeling better now because of your sinigang a la Naddie."
"Asus! Hindi pwede! Kailangan mong uminom ng gamot para mas mabilis kang gumaling."
"But I guess, a kiss from you would be more effective medicine than that paracetamol."
Nagulat ako sa sinabi niya, pero mas nagulat ako sa biglang halik niya sa lips ko. Hindi ako prepared! LASANG SINIGANG!
***
"Nadine, ayos ka lang ba?"
"Huy Ate Nadine!"
Nagulat ako ng biglang pinitik ni Kathryn ang ilong ko. Tsaka ko lang napansin na kanina pa pala nila ako tinatawag pero hindi ko sila napansin dahil sa pagkatulala ko. Nakita ko ang mukha ni Lola Pachang na nag-aalala kaya ngumiti ako.
"Ayos lang po. May naalala lang. Sige po akyat po muna ako sa taas, may nakalimutan akong gawin."
Hindi ko na sila hinintay na sumagot at umakyat nalang ako kahit bakas pa din sa mga mukha nila ang pag-aalala.
Pagkaakyat ko at agad kong isinarado ang pintuan at napabuntong hininga akong napaupo sa kama.
James, sabi mo babalik ka. Sabi mo kapag mahal mo ang isang tao, babalikan mo. James bakit hindi mo ako binalikan? Ibig bang sabihin nito, hindi mo na ako mahal?
*** Thank you!