"Beh, gusto ko ng ganito."
"Babe, samahan mo naman ako doon sa ano."
"Love, pwede ba bilhan mo ako ng ano medyo pagod pa kasi ako eh. Please."
"Uy, sundo mo ko maya ah? Hatid mo rin ako. Thanks!"
o
"Pakidala naman ng mga to, pati pala tong mga bags at libro ng mga kaibigan ko. Ay teka! Prof ko yun ah? Tara tulungan natin. kaya mo pa naman diba?"
Sinong may mga boyfriend/girlfriend dyan? (Yes. Boyfriend/girldriend po dapat at hindi shota, jowa o ano pa man. Okay? Good. Let's proceed) Ayan, alam nyo po ba kung kaninong linya ang mga pangungusap na nabasa nyo sa taas? Nako madalas pong marinig yan sa mga girlfriends sa kanilang mga boyfriends. Kaya ikaw girl o boy ka man relate ka po dito, kapatid kasi para po ito sa lahat. (๑♡∀♡๑)
Sa mga Girlfriends. Naging linya mo na ba yan? Syempre kapag ikaw iyong girl ay gusto mo na may umaalalay sayo, may sumusundo sayo o naghahatid, may nagaalaga sayo. Opo tama yan, kasi princess ka ni Lord at pag hindi naalagaan ang anak ni Lord papaluin Niya ang nananakit sa anak Niya. Bakit, may nakita na po ba kayo na hinahayaan lang ng hari na saktan-saktan ng kung sino man ang anak nya? Wala. Kahit saan ka mag punta inaalagaan talaga at sinisiguradong masaya dapat ang princess. Bilang mahilig ang girls manuod ng fairytales kung hindi naman ay Barbie, mahilig silang mag-imagine na sila na lang iyong main character sa palabas, na sila na lang iyong bida. Karamihan sa mga girls pinangarap talaga nila na maging princess. Pwedeng hindi lahat but we can say that most of them.
Sa mga Boyfriends. Gusto talaga nila na napagsisilbihan iyong mga girlfriends nila. Gusto nila ipakita kung gaano nila kamahal iyong babae na niligawan nila bg ilang buwan o taon mapasagot lang. Kahit pagod din sila maghapon handa parin nilang patawanin at intindihin si girlfriend na kadalasan ay masungit pero kadalasan rin ay malambing. Hindi sila gaanong nanunuod ng mga fairytales, pero gusto rin nilang patunayan na kaya rin nilang maging knight in shining armor sa mga princesses nila.
Parehong willing mag work ang relationship, parehong nag-eeffort para mas mapatibay iyong samahan.
Pero between boys and girls, sino nga ba talaga ang mas mahina?
Sabi nga ng mundo weakness raw ng girls ang "emotion" sa lalaki naman ay "temptation".
Lagi na lang natin naririnig ang side ng mga babae pagdating sa ganitong usapin. Ngayon aralin naman natin ang side ng mga kalalalihan.
Alam nyo ba na based on reliable researches it has been said na mas marami ang mga lalaking nagcocommit ng suicide dahil sa di na nila makayanan problema?
Bakit? Kasi hindi gaya nating mga babae sila hindi normal sa kanila na iyakan iyong mga problema. Wala silang outlet ng mga nararamdaman nila. Palagi nila pinapakita na malakas sila kasi iyon iyong inaasahan ng lahat na makita sakanila. Pinipilit nilang maging malakas. At iyong mga cases na nags'suicide na lang ay pag hindi na talaga kinaya.
Minsan akala nating mga babae napakalakas ng mga lalaki kasi mas malaki iyong mga muscles nila, kasi nga daw scientifically speaking eh mas malakas ang mga Adan. Akala natin kaya na nila lahat. Iyong girls minsan porke alam nilang mahal sila ng lalaki halos lahat na yata naipagawa na kay boy. Taga bili ng mga kailangan at lahat-lahat, at eto pa minsan pa pinapabili ng mga girl thingy. Girls, listen.. alam nyo ba kahit umu-oo yan sa isip nyan ayaw nya dapat eh mahal ka lang talaga kaya hindi ka ma-hindian.
Girls, alam nyo ba kung gaano kahirap iyon? Naaapakan iyong ego nila dahil doon.
"EGO" tatlong letra lang, dalat ibinabalato na natin iyan sa mga boys. Sabi ng Prof ko sa Humanities, lahat daw kaya ng mga lalaki, gagawin daw nila iyon para mapagsilbihan iyong girls pero hayaan daw natin na ma-save naman nila iyong ego nila. Hindi ko alam kung eksakto pero tingin ko, tama naman. Hindi naman pwede na girls na lang iyong laging iniitindi diba? Dapat give and take iyan. Hindi pwedeng give give give. Hindi rin pwedeng take take take. Boys or girls, dapat ay marunong rin tayong magtira para sa sarili natin hangga't hindi pa natin nasisiguro na sya na talaga.
Remember? Lahat ng sobra ay mali, lalo na baka hindi na yan will Lord. Kaya nga importante na bago tayo umaksyon, pray muna.. ask for God's guidance, para mas masaya! :)
Girls, huwag naman maghanap ng perfect na boyfriend. Maghahanap ka ng perfect, ikaw ba perfect ka? Si Lord lang ang perfect. Para huwag magkamali hintayin mo na si Lord mismo ang magturo sayo kung sino, huwag mo Siyang pangunahan. Baka masaktan ka lang kapag padalos-dalos ka.
Girls, yes, you are a princess.. pero hindi si Superman iyang boyfriend mo. May mga bagay na hindi nya kaya. Don't give impossible demands. Huwag sobra, iyong tama lang. Napapagod din iyan.
Hindi lahat kayang gawin ng boyfriend mo. May mga bagay na hindi kayang gawin ng mgat tao. May mga bagay na si Lord lang may kayang gumawa nun.
Girls, huwag tayong ano. Ha? Kalma lang. Bago ka magpadalos-dalos, hinga muna. Pray muna bago gumawa ng desisyon. Diba nga sabi ni Lord, iyong mga bagay na di na natin kaya.. sagot na ni Lord iyon! (*゚▽゚)ノ pero depende parin kung naniniwala kang kaya nga talaga ni Lord iyon gawin para sayo. Well ako naniniwala ko. (♡˙︶˙♡)
Okay na? Good. Ngayon sagutin na natin iyong tanong.. "Sino nga ba ang mas malakas?"
WALA. Parehong mahina lalo na kapag sa sariling kakayanan lang nakadepende. Kahit sino mahina lalo na kapag walang Jesus. Lahat tayo may sariling kakayanan may mga kayang gawin ang isa na hindi mo naman kaya. At marami ka namang kayang gawin na hinding-hindi magagawa ng iba. Espesyal tayo lalo na sa mata ni Lord, nalason ka lang talaga ng mundo. Tinaniman lang iyang pag-iisip mo ng mga bagay na nakakasakit sayo, na hindi naman totoo.
Oo nga, magkakaiba ang kakayahan natin.. parang parte ng katawan natin may sariling trabaho ang kamay, mata, ulo, mga paa, bibig, ilong at lahat ng parte ng katawan natin pero pag nagtutulungan sila mas maganda at napapadali ang mga gawain.
Parang sa pag b'boyfriend/g'girlfriend din.. kayong dalawa magkaiba iyong function nyo. Hindi maiiwasan na may pagkukulang ang isa kasi nga po hindi naman tayo perpekto.. pero pag pinagsama na kayo, lahat ng pagkukulang.. napupunan.. Parang super twins mas malakas sila kapag magkasama. Hindi na kailangan pang magpalakasan. Hindi kailangan malaman kung sino ang mas nag-effort ang importante si Jesus ang pundasyon ng relasyon nyo. Imbes mag compare dapat magtulungan na lang.. kaya nga partners diba? Ang hindi kayang gawin ng isa ang isa ang gagawa.
O ngayon alam mo na? Good. (♡˙︶˙♡)
~~~~~~~
Enjoy reading everyone! God bless! Mga Siblings, keep the faith ah? God bless. God bless. God bless. God bless. �(♡˙︶˙♡)