Alam mo ba?

9 1 0
                                    

Alam mo ba kakaiba pala ang formula ng Lord sa pagmamahal Niya satin at pagtanggap ng mga imperfections natin.  Sabi ng mundo "Kailangan tanggap mo muna na nagkakamali ka,  may flaws ka,  hindk ka perpekto.. bago ka tanggapin ng iba."  Ang pangtanggap saw nun ay nagmumula sa sarili. Pero bakit may mga kilala ako na tinanggap na nila ang mga sablay nila pero di parin sila matanggap ng mundo? Requirement po ba na dapat maging perfect para maconsider na tao?

Bakit sabi sa "Home" yung Alien na movie? Sabi doon "Mistakes,  sins,  flaws..  are what makes human a human. " Hindi po iyan iyong esakto pero malapit na.  :D Ganoon pala.  Pero sa tuwing nalalaman ng mundo ang mga kasalanan mo tinuturing ka nilang hindi kabilang sakanila?  Kung ganoon,  kung hindi ka kabilang sa mundo  (sanlibutan) saan ka pala kabilang? 

Ako, si Jalaya..  bilang kilalang leader mula pa elementary hanggang collegw,  laging may nakabantay sa bawat galaw ko.  Iyong pamilya ko,  tinuturuan nila ako ng tama,  at binabantaya rin nila kapag nagkakamali ako.  Ang mga tao sa paligid ko na lagi ring nakatingin,  ang iba ay humahanga ang iba naman ay nagbabantay na bumagsak ako. Nasany ako na gawing pulido ang bawat galaw ko.  Ayaw ko ng wala sa ayos ang mga bagay sa paligid ko. Ayaw kong nadidikit sa mga di organisadong bagay, hangga't maaari iniiwas ko ang sarili ko lagi sa kahihiyan.

Perfectionist ako? Pwede mong sabihin iyan.  Pero may idea rin ako na hindi nga ako perfect..  Hindi ko lang tinatanggap iyon. 

Hanggang sa nakilala ko Siya.  Sa una palang kinalakihan ko na Siyang makilala.  Naniniwala ako sakanya.  Pero hanggang doon lang. Naniwala ako,  pero wala akong ginagawa.  Para sakin, Kilala ko na si Jesus Christ----end of the story.  Wala akong ginawa para mas lumalim ang pagkakakilala ko kay Jesus.

Noong college na ako,  nagtataka ako kung bakit mas inuna pa noong best friend ko na pumunta sa sunday service kaysa pumunta sa binyag ng pinsan ko alam nya namang napakaimportante noon. Bakit sa tuwing kakain kami magpapasalamat muna sila kay Jesus sa pagkain kahit alam naman nilang konting lang break time namin.  Bakit sa tuwing umiiyak iyong kaklase ko nagbabasa Siya ng Bible tapos maayos na ulit sya? Bakit okay lang sakanila na wala silang boyfriend? Si Jesus lang daw sapat na sakanila?  Ako nga iyak ng iyak noong niloko ako ng boyfriend ko eh.  Ex-boyfriend to be exact.

Hindi naman sa unbeliever ako,  nagtataka lang siguro ako kung bakit ganoon sila ka-dedicated sa pags-serve kay Jesus.

Lahat iyoooooooooon!!!!  Kinain ko lahat ng mga iyong!  Hahaha.  Kasi ngayon iyong mga bagay na pinagtatakahan ko noon ginagawa ko na rin ngayon.  Kung papano?  Hanggang ngayon hindi ko parin alam.  Isang umaga gumising na lang ako at sinabi sakin ni Lord,  "Jalaya,  tama na ang pagiging makamundo." Dumaan pa ako sa adjustment period pero noong nagtagal nalaman ko na ang pags-serve kay Lord ang kokompleto pala sa buhay ko.

Naramdaman mo na bang may kulang sa buhay mo?  Alam mo kung bakit?  Kasi wala ka lang Jesus sa buhay mo.

Isa sa pinakagusto kong aral ni itinuro aa akin ni Lord ay iyong matanggap kong hindi ako perpekto.  Tanggal Niya na hindi perpekto ang faith ko,  na hindi ako perpekto.  Inayos ni Lord ang mga makamundo kong paniniwala. 

Kung sabi ng mundo,  "Kailangan o daw munang tanggapin ang sarili mong imperfections para matanggap ka ng lahat." Pero ang sabi ng Lord..  "Tatanggapin muna kita para matanggap mo ang sarili mo. Hayaan mo na iyang minding."

Things you need to know!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon