Paano mag move on?

54 3 0
                                    

Bakit mahirap mag move-on? Kasi ayaw nating pakawalan yung mga bagay na akala natin makakapagpasaya satin. Pero ang totoo DUWAG lang talaga tayo. Natatakot tayo kung paano ulit tayo makakapag simula, kung saan magsisimula.

There are ways on how to move on:

1. Recognize the pain. Katatanggi mo mas lalo lang lumalalim yang sugat dyan sa puso mo. Kailangan mo syang irecognize. Namnamin mo ng namnamin yung sakit.. di magtatagal masasanay ka na lang. Minsan di naman kailangan na kalimutan talaga ang sakit, ang dapat mong gawin ay masanay na lang. Kahit anong gawin mo, andyan na yan. Di mo na lang maibabalik pa ang dati.. ang gawin mo na lang tanggapin mo na ang nangyayari na sa kasalukuyan. Hindi ka makakaabante kung sa likod ka lagi nakatingin, magugulohan ka na masasaktan ka pa pag natisod ka ng bato sa tabi-tabi. XD Pero totoo.

2. Mag desisyon ka para sa sarili mo. Maawa ka na sa sarili mo. Wag kang mag momove-on para sa mga tao sa paligid mo, kundi para mismo sa sarili mo. Wag kang magmomove-on kasi may nakikita ka na namang bagong prospect o kaya ay ayaw mo na ng kinakaawaan ka ng mga tao sa paligid mo. Mag move-on ka para sa sarili mo. Ikaw naman umiiyak sa gabi ah? Di naman sila. Ikaw naman nasasaktan every time  na maririnig mo yung pangalan nya ah? Kahit sabihin pa nilang naiintindihan ka nila? Ang totoo pampalubag loob lang talaga yun. Ganyan din ginagawa ko sa mga kaibigan ko eh. Maintindihan man ng iba, mas parin ang narardaman mo mismo.

3. I-warp mo sa isip mo ang mukha ng ex mo. XD alam mo yun? Yung pinapapangit yung picture pag inedit? Gawin mo yun. Isipin mo na hindi naman sya ang nawalan. Ikaw ang kawalan sakanya. Isipino na MAS pa ang ibibigay sayo ng Lord. Mas pa! Diba saya?

4. Have some rest. Deserve mo yun! Alam mong may band-aid pa yung puso mo tinutusok mo na ulit? Pahipahinga din pag may time. Hindi sa lahat ng oras magpapaka-girlscout o boyscout ka na laging handa. Kailangan din ng pahinga.. para fresh ka ulit.

5. Pray to God. LET GO AND LET GOD. Sa lahat ng mga ways kahit ito na lang ang gawin mo solve na yang puso mo. Hayaan mo na si Lord ang maghanda sayo, wag ang will mo. God is preparing a love story na mas nakakakilig pa sa AlDub para sayo. Maniwala ka lang! Si Lord and pinaka astig na author sa paggawa ng mga love stories.

Move-on, move-on din kapatid! Yung pagka haba-habang traffic nakausad na.. ikaw wala pa? Tss. Move and make an action!

MAKAKAMOVE-ON KA DIN, IN JESUS' NAME! GOD BLESS.

Things you need to know!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon