Gabing Kasama Ka

47 0 0
                                    

Anong saya ng gabi
May ngiti saking labi
Pagod ay napawi
Kape ang sumaksi

Magkaharap sa lamesa
Pangarap noon pang una
Panalanging abot-tala
Ang gabi'y tumagal pa

Ang kwento mo'y naging yaman
Ang tawa mo'y pinagmasdan
Ito sana'y wag maging minsan
Gawin natin palagian

Di ko noon pansin ang pera
Ganda ng paligid at ano pa baga
Isa lamang ang ginugunita
Ang gabing kasama ka

#BasuraNgIsip
#NaisLamangMagpabatid
#NaisLamangTumula
#NagpapanggapNaMakata

#BASURA NG ISIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon