Anong Mayron sa Singkit?

71 0 0
                                    

Anong mayron sa singkit?
Pag tumingin ay malupit
Di' mo alam kung nakatawa
Di' mo alam kung galit

Ang mundo'y hinain nang malaki
Kung tignan nya'y gapurit
Ang sa paningin mo'y malaki
Ganoon din ba niyang masasabi?

Anong mayron sa singkit?
Ang mata ay maliit
Anong kapangyarihan ang taglay
At nakakapawi ng galit

Anong mayron sa singkit?
Nasa gitna ng dilat at pikit
Para sakin maganda
Sabihin man nilang pangit

Ako ngayon bilang makata
Masayang nagawa itong tula
Pagkat para ito sa kanya
Sa singkit na bumabasa

Malayo sya sakin,syang nagbabasa
Nagustuhan kaya nya ang tula?
Magalit man sya o matuwa
Paghanga ko'y nais lamang ipakita

#BASURA NG ISIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon