Muling Magsimula

40 1 0
                                    

Paano ka matutulog at pano ka babangon
Kung nililigalig ka ng mahapding kahapon?
Isang balaraw na sa puso mo'y bumabaon
Nag-uugmigting na sakit, di mapahinahon

Paanong kakain kung wala nang panlasa
gasgas na ang dila sa salitang mahal kita
Ngawit na ang pangang nagpigil magsalita
Busog na ang tiyan sa masasakit na salita

Paanong ngingiti kung ang nauuna'y luha?
Pagkat ang iwan ka niya'y nakita ng mata
Sumibol ang tubig sa talukap ay bumaha
Pinilit mong pigain, nagmukha kang tanga

Paanong magmamahal muli ang puso mo
Kung tinunaw nya ito, na parang inasido?
Susubukan mo bang buhayi't gawing bago
Yung di masasaktan sa maling pangako?

Paano mong sasabihin na ayos ka lang
Kung ang pagtulala mo ay di na mabilang?
Nagising ka bang tunay sa pagkahibang
O  tuluyan na ikaw ay naging mangmang?

Kakayanin mo na bang tunay na mag-isa
Matagal din na ang buhay mo'y siya
Kaya mo pa nga bang muling magsimula?
Magsimula ng bago, yung wala na sya?

#BASURA NG ISIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon