Ang Pagmamahalan ay 'di laging ma-alwan
Lalo na sa inyong taon na ang pinagsamahan
Darating ang mga panahon ng kalungkutan
Luha minsan ang papalit sa inyong tawananDarating ang panahong biro niya'y maluluma
'Di na ganoon kabigat ang matatamis na salita
'Pagkat laging naririnig na parang sirang plaka
Darating sa puntong mai-isip mo na magsawaProblema ng isa ay kasama kang magdadala
Ihahain ang balikat mo sa kaniyang mga dusa
Ang lungkot na daratal pareho kayong idarapa
Pipiliting hamunin, nabuo ninyong pagsasamaSasapit ang panahon ng inyong mga pagtatalo
Magsisigwan hanggang sa ang matira'y panalo
Pipilitin ng tadhanang isa'y makaisip na sumuko
Upang pag-iibigang wagas, mauwi sa paglalayoSasapit din ang sandaling may taong makikilala
Taong tatangkaing pasukin, inyong pagsasama
Ipamamalas, magagandang bagay sa piling niya
Pipiliting sirain ang katapatan ninyo sa isa't isaSa mga panahong iyan, ikaw sana'y manangan
Sa inyong sumpang pag-ibig na walang hanggan
Kayo man ay paulit-ulit na subukin ng kapalaran
Maging matatag ka sana, huwag mo siyang iiwan#BasuraNgIsip
#NaisLamangMagpabatid
#NaisLamangTumula
#NagPapanggapNaMakata
BINABASA MO ANG
#BASURA NG ISIP
PoëziePagdamutan na ng mga babasa mga tulang galing sa pusong dalita nagpapanggap na makata marinig at mabasa ng kaniyang sinta