(para sa inyong bago pa lang nagiging KAYO)
Maaaring ang meron tayo ay nasa uring bago
Na sa kaunting problema'y maaari pa'ng gumuho
Sa kaunting pagsubok ay maaari pa'ng sumuko
At sa kaunting distansiya ay maaaring maglayoMaraming bagay pa ang sa atin ay magdaratingan
Mga bagay na pwedeng mabigat na pagtalunan
Magkakaroon ng mga banta ng hiwalayan
At kapag lumamig ang gulo'y muling magbabalikanPang-unawa sa isa't isa ay maaari ding subukin
Mga salita na hindi natin kayang intindihin
Sama ng loob na hindi natin kayang sabihin
'Pagkat kapag ibinulalas ay mahirap unawainSusubukin rin ang ating pagiging tapat at totoo
Na sa kabila ng maraming dumarating na bago
At maraming naglilipanang iba't ibang tukso
Kung mananatili pa rin ang sumpang IKAW lang at AKOPareho tayong makararanas ng pagod at luha
Susubukin ang pagdamay natin sa isa't isa
Kung paanong ang iyak natin ay gagawing tuwa
Kung paanong ang lungkot ay dadalhin sa sayaIpakikita ng mundo ang kalagayan nating tunay
Kung paanong para sa tao ay hindi tayo bagay
Ipararamdam na ang sagot lang ay maghiwalay
Pilit tayong paiikutin ng panghuhusga sa kanilang kamayAng lahat ng mga iyan ay daranasin nating totoo
Mga bagay na sa ati'y daratal pagkat tayo'y bago
Pero sana ay manalig ka sa nag-iisa kong pangako
Pangako na gaya nila, MAGTATAGAL DIN TAYO.#BasuraNgIsip
#NaisLamangMagpabatid
#NaisLamangTumula
#NagpapanggapNaMakata
BINABASA MO ANG
#BASURA NG ISIP
PoetryPagdamutan na ng mga babasa mga tulang galing sa pusong dalita nagpapanggap na makata marinig at mabasa ng kaniyang sinta