VOTE..COMMENT and BE A FAN
MM1= Emmanuel Conan Rodriguez
"TAMARA!!TAMARA!"
Napalingon ako bigla sa pintuan mula sa kusina.Nasa likod kasi ako ng bahay para manampay ng mga damit na kakatapos ko lang labhan..
"TAMARA!TAMARA!ASAN KA?"
Napabuntong hininga ako.Anu na naman kaya ang kelangan nya sa akin?weekend na weekend sisirain na naman nya ang araw ko?
"OH 'NAY SARAH!?NASAAN PO SI TAMARA?"ang lakas ng boses nya.naririnig ko ito mula dito.siguro nakita nya si inay na nasa labas ng bahay at nagwawalis..
Sya pala si EMMANUEL CONAN RODRIGUEZ ang aking Personal Amo.anak sya ng mga RODRIGUEZ kung saan nagtratrabo si nanay bilang isang kasambahay.
Ang mga Rodriguez ang isa sa pinakamayaman dito sa probinsya namin.Sila lang kasi ang merong malawak na lupain dito at sya ay nag-iisang anak lang ng mga ito kaya lumaking spoiled si Conan.
Ako naman pala si TAMARA PEREZ isang ulirang anak at PERSONAL YAYA ni Sir CONAN..
na may matagal ng LIHIM NA PAGTINGIN sa kanya..
Nasa fourth Year high school na ako at nag-aaral kung saan nag-aaral din ito.Sa Public naman talag ako nag-aaral dati pero simula ng maging Personal Yaya nya ako ay bigla nalang akong inilipat ng mga magulang nya sa school nito..
MAYABANG,HAMBOG,BULAKBOL,PALYBOY AT MASAMA ANG UGALI..Yan ang decription nya at hindi na siguro yan magbabago kailanman..
Lagi nya akong pinagtatawanan,kinakantyawan,inaasar at iniinis.
Sya ang CAMPUS HEART THROB namin sa school.Ewan ko ba!kung gaano kasi kasama ang ugali nya ganun naman kaperpekto ng pisikal nya.
GWAPO,MAPUTI,MAYAMAN,MAKINIS,MALINIS,MATANGKAD--ahh basta!PERFECT sya sa paningin ng babae.Minsan nga naiinggit yung mga ibang babae sa akin sa school kasi lagi ko raw nakakasama si conan..
Hay,kung alam lang nila..
"SIGE PO 'NAY SARAH!PUPUNTAHAN KO NA SYA!"ewan ko ba sa lalakeng ito bakit ang lakas lakas ng boses. akala mu nakasigaw kahit nag-uusap lang naman..
Inayos ko ang sarili ko muna bagu bumalik sa pagsasampay ng mga damit.wala kaming pasok ngayun kasi sabado..free naman si nanay pag weekend tsaka ang dami kaya nilang katulong at hindi naman malaking kawalan si inay eh!
"TAMARA!"tawag nya sa akin mula sa pinto..
Pero hindi ko sya tiningnan tuloy parin ako sa pagsasampay.natatakot ako!oo!kasi alam kong may ipapagawa sya sa akin na kahit labag man sa kalooban ko ay gagawin ko parin kasi nga utos daw nya ito at kelangan ko daw syang sundin kasi Personal Yaya nga daw nya ako.
Kahit nga yung tipong nasasaktan na ako physically ok lang sa kanya basta maging masaya sya.kawawa talaga ako!
"Tamara!?"
Wala akong naririnig.
"tamara!?"
Ayoko na lord!-_-
"Tamara!naririnig mu ba ako?huh?"medyo pasigaw nyang tawag.mukhang naiinis na talaga sya.hala?
mabagal akong lumingun sa kanya..
*gulp*
"A-ahh!Sir Conan anjan po pala kayo?!"
"nagbibingi-bingihan ka lang ba o talagang bingi kalang talaga?!"lumiit yung mga mata nya.ang gwapo gwapo nya talaga..
Mabagal syang lumapit sa akin.
"sorry Sir Conan..masyado lang akong busy sa pananampay..bakit po kayo andito?"binalingan ko na sya at pinunasan ang mga kamay sa damit ko.sa totoo lang kinakabahan talaga ako.alam kong may pupuntahan na naman kami..