"Troy!", narinig niyang tawag sa kanyang likuran. Napasimangot siya dahil kilala niya kung sinu ang may-ari ng ng boses na iyon. Hindi niya nilingon ito at tuloy tuloy sa paglalakad ng may humigit sa braso niya.
"Uy! Hindi ka talaga marunong mag-antay", nakabusangot na saad ni Yuki. Pilit nitong sinasabayan ang mabilis niyang paghakbang.
"Huy bata, anu na naman problema mu at nakataas na naman kilay mu ha?", naaaliw na tanung nito sa kanya. Sinimangutan lamang ito ni Troy at hindi man lang umimik., tuloy tuloy parin sa paglalakad. Hindi din pansin ang mga babaeng nakatingin sa kanila.
"ah ganun, dideadmahin mu lang ako?Kahit kelan talaga ang sungit mu, kaya kahit maraming nagkakagusto sayo eh hindi makalapit kasi natatakot sayo, ngumiti ka naman kasi kahit paminsan minsan", tuloy tuloy at walang prenong sabi ni Yuki na mas lalong nakadagdag sa inis niya rito.
"Will you shut up?!" sigaw niya rito sabay hinto sa paglalakad na ikinagulat nito at nauntog sa dibdib ni Troy.
"sinisigawan mu ako??" bulalas na sabi ni Yuki na pinasingkit pa lalo ang mga mata para maipakitang naiinis na ito. " Huy bata baka nakakalimutan mu mas matanda ako sayo ng dalawang taon", paalala nito sa kanya na para bang nakakalimutan niya ang bagay na iyon na kung tutuusin eh laging bukambibig nito na mas matanda ito sa kanya.
Nahahapong napatingala siya sa langit at nagpakawala ng isang buntong hininga at matiim na tumitig sa babae na halos hindi umabot ang taas nito sa kanyang leeg kahit sa edad nitong 17 na at siya ngayun ay 15 pa lamang.
"I told you many times that don't you ever call me BATA", at binigyang diin pa niya talaga ang mga salitang bata. "I'm not a child anymore and please stop pestering me, humanap ka ng ibang mapaglilibangan huwag ako", pagsusungit niya rito.
"Hmmp, ang sungit mu talaga, daig mu pa ang babaeng may regla", at tumawa ito ng malakas.
Tsss kahit kelan talaga, sakit sa ulo. Napailing na lamang si Troy.
"at bata ka parin nuh mas matanda parin ako sayo, you should even call me ate", ngisi nito sa kanya na lalong naging dahilan ng pagsalubong ng mga kilay niya.
"why should i? We are not even blood related, I am not Samonte and never will I", madiin niyang sabi rito at iniwan itong napatunganga sa mga sinabi niya. Nang siguro ay makabawi mabilis itong humabol sa kanya at ikinawit ang mga braso sa braso niya.
"Shungit hmmp", bulong nito at ngumiti ng tiningnan niya ito ng masama. "Wala ka na bang pasok? Samahan mu muna ako sa mall, may bibilhin lang", pa-cute nitong sabi na pinapungay pa ang mga mata.
Inirapan niya ito at pilit binabawi ang braso na hawak-hawak nito. "Ayoko, i wanna go home and will you please let go of my arm?", pagsusungit niya parin dito ngunit mukhang balewala parin, siguro sa tatlong taon na pagtira niya sa mga Samonte ay nasanay na ito sa mga pagsusungit niya kung kaya't parang balewala na lamang dito.
"Bilis na, samahan mu na ako ililibre kita", nakangisi na ito sa kanya.
"Hindi mu ako masusuhulan, bakit ba ako ang kinukulit mu bat hindi nalang si Dash or yung bf mu", inis na turan niya rito
" alam mu namang busy yun si Dash at si Kevin naman". She pouted her natural pink lips and let out a sigh. "He's busy, always busy".
Tsss as always, you should break with him.
Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ang dalaga, napatanga naman ito sa kanya.
"Anu bang bibilhin mu?"Lumiwanag ang mukha nito sa narinig at ngumisi. "Told yah, you can't resist me", at humagikhik ito
Damn. Inirapan niya lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/50989853-288-k725395.jpg)
BINABASA MO ANG
Smitten Kitten
Teen FictionTroy was 12 years old when his mother decided to get married again with Dash's father. Sa ayaw man at sa gusto niya ay kailangan niyang makisama sa mga Samonte alang alang sa kanyang ina at higit sa lahat ang pakisamahan si Yuki,Dash's unpredictable...