Day 2: (Part 2) Ang Unang Gabi ni Benjie sa Kwarto

4.6K 42 13
                                    

---Lipat Bahay---

Umupo na silang apat at nagsimulang kumain

"Hindi kasi ako nakatulog kagabi ehh" sagot ni Benjie habang humihikab pa 

"Baka hindi ka pa kasi sanay na matulog mag-isa" wika naman ni Rosa  

"Hindi po Ma,Nakakatakot kasi ung napaginipan ko kagabi"  

Biglang nagkatinginan sina Elissha at Rosa  

" Bakit ? Ano bang napaginipan mo?" tanong agad ni Elissha  

" Sa panaginip ko nakahiga pa din ako sa kama ..... May naririnig akong umiiyak, boses ng isang babae .... Dinilat ko ung mga mata ko.. mayroon nga .... Nasa may sulok malapit sa pinto .... Nakaharap sa akin ang babaeng umiiyak pero naka-upo ito.. . Natatakpan ang mukha niya ng kanyang buhok kaya di ko makita ung mukha niya... ..dahil sa takot ko nagtalukbong na lang ako ng kumot.. pero mas lumalakas ang iyak niya parang papalapit siya sakin...ilang segundo pa ay mas lumapit ang tunog... kaya bigla kung tinanggal ung nakatalukbong sa mukha ko pero bigla ding nawala ung tunog pati ung babae kaya pumikit ulit ako .......... Pero maya-maya lang, mula sa paa ko ay maynararamdaman akong may pumapasok sa loob ng kumot ... papalapit ng papalapit ito sakin..... kaya dahan dahan kung inangat ung kumot..... pag-angat ko isang babaeng nakakatakot ang mukha ang bumulaga sakin... nakakatakot talaga at nanlilisik ang mga mata .... Tapos bigla na akong nagising , alas tres pa lang un ... nahihiya naman akong pumunta sa kawarto mo Ma! kaya matagal akong hindi nakatulog at hindi na din nagkumot dahil sa napaginipan ko .." 

Pati si Elissha ay kinilabutan sa kwento ni Benjie  

"Grabe naman yang kwento mo Benjie nakakatakot!! Alam mo ako din may napa..."  

"Basta lagi ka lng magdadasal kapag matutulog para hindi ka makapanaginip ng ganyan, diba Elissha?" biglang sabat ni Rosa 

Tinignan ni Rosa si Elissha  

"Aaaahhh ... oo.... dapat laging magdadasal para hindi managinip ng nakakatakot" sagot ni Elissha 

"Eh lagi naman akong nagdadasal bago matulog ehhh"  sagot ni Benjie 

Natameme sila sa sagot ni Benjie 

"Ahh ganto na lang.... gusto mo sa kwarto na lang namin ng Papa mo, ka matulog?" Alok ni Rosa 

"Ayoko Ma !! Hindi ko na yon mapapaginipan mamaya" pagsisiguro ni Benjie 

"Sige kung yan ang gusto mo" sagot ni William

Pagkatapos nilang kumain ay isa-isa na silang naligo at naggayak upang makaalis

Si Elissha ay 4th year HS at si Benjie naman ay Grade 5  

Iisa lang ang kanilang pinapasukang school. 

Parehas 9:30 AM ang kanilang pasok pero ang labas ni Benjie ay 4:30 samantalang si Elissha nman ay 5:30 kaya hinihintay pa ni Benjie si Elissha sa library para sabay na silang umuwi.

Sila William at Rosa naman ay 9:00 AM ang pasok at 5:00 PM ang labas sa kanilang opisina. 

Medyo lumapit sa opisina nila ang kanilang bagong bahay kumpara sa dati.

"Sa labas ng subdivision na to merong mga tricycle, doon na lng kayo sumakay pagpa-uwi dahil medyo trapik na hindi na nmin kayo masusundo" ang sabi ni William kay Elissha  

"Sige po Pa" sagot nito 

"Tara at ihahatid na namin kayo" Wika ni William

-----------------------------------------------------------------

Lipat Bahay  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon