Mula sa pag-alis sa bahay at pagdating sa school iniisip pa din ni Elissha kung bakit sabay sila ng kanyang kapatid na nakapanaginip ng nakakatakot
"May koneksyon ba un o nagkataon lng? may gusto ba silang ipahiwatig samin? kung meron man ano un at bakit?" mga tanong ni Elissha sa sarili na pilit niyang hinahanapan ng sagot
Pagdating ni Elissha sa classroom isang babae ang bumulaga sa kanya at nagtanong
"Elissha musta naman ang paglilipat?" tanong ni Henna ang kanyang bestfriend
"Ginulat mo pa ako!........ Ayos lang nman medyo nakakapagod lang" sagot nito
"Oh mukhang ang lalim ng iniisip mo ha? may problema ba?" tanong nman ni Mikee
"Wala....... wala naman" sagot ulit nito
"Naku Elissha since 1st year magkakaklase at magkakaibigan na tayo .. alam na natin ang ugali ng isa't isa kaya wag mo nang ikaila.. Ano ba un? Sige na share mo naman baka matulongan ka namin?" ang pagpupumilit ni Mikee
"Oo nga naman ... share mo na??" pag-uudyok ni Henna
"Ahhhhhhhhhhhh..............ganto kasi ................... ung .................. bagong bahay namin......................"
"Ano ?" sabay na tanong ni Mikee at Henna na tila sabik na sabik na sa sasabihin ni Elissha
"kasi...ung bahay namin........."
"Ayan na si Ma'am Cruz!!" Sigaw ng isa nilang kakalase
"Ano ba yan! basta mamaya ng break mo sasabihin hah?" sabay na sabi ni Mikee at Henna
"Cge cge"
"Sa biyernes na pala ung pinag-usapan natin hah!" sabi ni Mikee
BINABASA MO ANG
Lipat Bahay [On Going]
HorrorPara sa ilan, talagang nakaka-excite ang paglipat sa bagong bahay dahil sa mga bago na namang makikilala at makakasalamuha. Pero paano kung ang nilipatang bahay ay may mga kaluluwa, hindi matahimik na mga kaluluwa? na magbibigay ng nakakatakot, naka...