---Lipat Bahay---
"Good night Pa" paalam ni Elissha sa kanyang ama at agad umakyat sa taas.
Si William na lang ang natira sa baba upang i-lock ang pintuan at patayin ang ilaw.
Habang nilo-lock ang pintuan ay may tumawag sa kanyang cellphone.
"Oh Ma, Oo nakauwi na kami.......................pahinga ka na din diyan, Goodnight" ang sabi nito kay Rosa at pinatayan na niya. Nakita niya sa orasan ng kanyang cellphone na 1:47 am na.
Pagkatapos niyang mai-lock ang pintuan ay pinatay na niya ang ilaw sa may sala. Tanging ang ilaw na lang sa may kusina ang naiwang nakabukas ang ilaw
Umakyat na siya sa taas at sinarado ang pintuan, binuksan ang dim lamp at pinatay ang ilaw .
Inilapat na niya ang pagod na katawan sa malambot na higaan at dahan-dahang ipinikit ang pagod ding mga mata.
Ilang minuto lang ay nakaramdam siya ng pananakit ng puson kaya bumangon muna siya para umihi.
Paglapag ng kanyang paa sa sahig ay bigla siyang nagulat kaya bigla din siyang napatayo at iniangat ang nakalaylay na bed sheet ng kama upang makita kung may kung-ano sa ilalim.
Napakamot siya sa ulo ng wala naman siyang nakita sa ilalim ng kama. Inisip niya na lang na baka guni-guni lang ang kanyang naramdaman na may natapakan siyang kamay sa sahig
Bumaba na si William upang umihi. Dumaan muna siya sa may madilim na sala bago makapunta sa kusina.
Habang naglalakad, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang nanlamig at tumaas ang mga balahibo- na hindi pa nangyayari sa kanyang buhay. Hindi likas na matatakutin si William kaya binalewala niya lang ito. Tuloy-tuloy pa din siya sa paglalakad hanggang makapasok na sa loob ng banyo.
Tanging ang ingay lang ng kanyang pag-ihi ang maririnig sa ibaba ng kanilang bahay.
May nakita siyang dumaan sa may pintuan ng banyo kaya bigla itong napalingon. "Elissha Elisha, ikaw ba yan?!" sabi niya pero wala siyang narinig na sumagot.
Ilang segundo lang ay nagulat siya ng mayroong kamay na humawak sa kanang binti niya.
Napaangat bigla ang kanang paa niya ng maramdaman ang kamay sa kanang binti nito. Pagkatapos ay iyuko niya ang kanyang ulo at ikinalat ang paningin para makita kung may kung ano pero wala naman siyang nakita kaya binalewala niya na lang ulit at sinabi sa sarili- "inaantok na talaga ako, ang dami ko ng nararamdaman at kung ano-anong nakikita" sabay hinga ng malalim.
Sinarado niya ang pinto ng banyo at pinatay na ang ilaw nito. lumalakakad na siya papunta sa madilim na sala................... Nasa may pagitan na siya ng maliwang na kusina at madilim na sala ng biglang makaramdam ng malamig na ihip ng hangin, nagsitayuan na naman ang balahibo niya ng maramdaman ito, pero syempre binaliwala niya lang ulit.
BINABASA MO ANG
Lipat Bahay [On Going]
HorrorPara sa ilan, talagang nakaka-excite ang paglipat sa bagong bahay dahil sa mga bago na namang makikilala at makakasalamuha. Pero paano kung ang nilipatang bahay ay may mga kaluluwa, hindi matahimik na mga kaluluwa? na magbibigay ng nakakatakot, naka...