Day 4: Tres Marias

1.9K 42 6
                                    

Cutiegogo ! Salamat ulit sa multimedia ^_^

Sana po huwag po kayong magsawang magvote at magcomment sa kwento ko :D Maraming maraming salamat po sa paghihintay ^_^  I try to update my story as soon as possible :D Thank you po :D

--------------------------------------------------------------------------------------------------

---Lipat Bahay---

Nahihilong bumabangon si Elissha sa sahig "Aray...... ang sakit ng ulo ko" sabi nito sa sarili habang hawakhawak ang ulo."Hala! may bukol ata?!" nang may makapang nakaumbok sa noo kaya bigla siyang napabalikwas ng tayo upang hanapin ang salamin.

"Ano ba yan oh! may bukol nga, ang laki, halatang halata pa!..... Anong gagawin ko? pupunta pa naman sila Mikee at Henna dito, malamang sa malamang ay pagtatawanan na ako ng mga yon, ......HAYYY-" sabay hinga ng malalim, "-Paano ko kaya ito maitatago, nakakahiya eh?"  
Ang aga-aga pa ay medyo hindi na maganda ang mood ni Elissha dahil sa kanyang malaking bukol sa noo.

"Ano nga bang nangyari kanina? bakit nga pala sa sahig ako nakahiga?" pagtatanong sa sarili kaya siya'y napakunot-noo , iniisip niya kung ano nga ba yung nangyari kanina. "Kakainis naman oh! mas lalong lumalaki ang bukol kapag nakakunot noo ako.." sabay hinga nanaman ng malalim.

Maya-maya lang ay naalala na niya ang nangyari kanina pero parang hindi siya natatakot dahil sa medyo naiinis siya.

"Sino ba naman kasi ang matutuwa kung magkakabukol ka eh may mga bisita ka pa namang darating, tapos yung bisitang darating ay alam mong mga alaskadora na aasarin at pagtatawan ka.'' sabi niya sa sarili ''Hmmm.. sa bagay ganun din naman ako, mahilig mang-asar, pareparehas lang talaga kami ng ugali ..... Kaya pagnakita nila tong bukol ko mayroon na silang dahilan para pagtawanan ako, kailangan ko nang ihanda ang sarili ko para sa mga banat nila." aniyapa sabay tango sa harapan ng salamin.

Ilang sandali lang ay may bigla siyang naalala "Nasaan na nga pala ung cellphone ko?". Yumuko siya at ikinalat ang paningin. Tinignan niya din sa may kama at tinaas ang mga unan at kumot  pero hindi niya makita. "Nasaan na yun?" at dumapa upang tignan sa ilalim ng kama.

"Ayun nandiyan ka lang pala" pinasok niya ang isang kamay sa baba ng kama para abutin ang cellphone pero kahit anong pilit niyang pag-abot dito ay hindi niya ito maabot. Naisipan na lang niyang pumasok sa baba ng kama para makuha ang cellphone. 

"Gotcha!" Sigaw niya nang makuha ang hinahangad. Umaatras na siya para makalabas 

Nang biglang.......

"Tugggg!"

"Aray!" nauntog si Elissha sa nakausling matigas na bahagi sa ilalim ng kanyang kama at medyo malakas ang pagkakauntog niya dito. Pagkatapos niyang makalabas ay kinapa niya ang bahagi ng kanyang ulo na nauntog "Buti naman at walang bukol. Ang malas ko naman ngayong araw nakaka-strike 2 na agad ako, sana hanggang ngayong umaga lang 'to" Habang hinahaplos ang nauntog na ulo ay bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng puson kaya naisipan na niyang bumababa haplos haplos pa din ang bukol. Habang naglalakad, iniisip na niya kung paano maitatago ang bukol kaya hindi niya napansin si William na nasa tapat nang ref at dumire-diretso lang siya papuntang CR.

Lipat Bahay  [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon