Part 1

789 9 2
  • Dedicated kay KingAndy
                                    

--

I. FIRST DAY HIGH

--

Nung unang pasok ko pa lang sa eskwelahang ito gusto ko na siya at minahal ko na siya.

Siguro mahirap nga paniwalaan pero hindi ko rin alam kung pano nangyari yun eh!

Di ko namalayan na mahal ko na pala siya.

"Love at first sight" nga kung tawagin.

Hindi ko din naman alam kung bakit hanggang ngayon di pa rin niya ko napapansin.

Ni hindi pa nga ata niya alam ang pangalan ko eh.

Sa loob ng apat na taon na pinagsisilbihan ko siya wala pa kong natatanggap na "Thank You!" man lang mula sa kanya.

Tama ang nabasa niyo. Pinagsisilbihan ko nga siya. Ginawa ko yun para mapalapit ako sa kanya.

Pero parang wala naman nagiging bunga yung mga paghihirap ko.

4th year na kami pero wala pa ding nangyayari.

Hanggang kelan kaya ko magtitiis?

*Poke*

*Poke*

*Poke*

*Poke*

*Poke*

"KIM!" nagulat ako nung may biglang sumigaw sa tapat ng tenga ko ng napakalakas."Kanina ka pa tulala diyan! Ayan oh. Anglapit-lapit na sayo. Go girl! Lapitan mo na.. FIGHTING!!" dagdag pa niya

"Anu ka ba, Mari! Manahimik ka nga diyan. Tignan mo nga oh! Busy yung tao may kausap." sagot ko kay Mari.

"Hay nako! Wala talagang mangyayari sayo niyan. Kung ganyan ka ng ganyan." sermon pa niya sakin.

"Haaaaay! Kelan kaya niya ko ngingitian katulad ng ngiting ipinapakita niya kay Shane?" tanong ko habang nakapangalumbaba.

Hindi na nakasagot si Mari dahil dumating na ang teacher namin.

Classmate na nga pala namin siya ngayon. Ang lalaking matagal ko na pinapantasya.

Siya si Dylan. Dylan my labs. My Boss !

"Ok class. Alam niyo na ang routine natin. Since first meeting natin we'll play a game pero syempre yung game na makikilala niyo ang isa't isa. Boring na kasi masyado yung simpleng introduce yourself eh." sabi nung teacher samin."By the way, I'm Ms. Angelique Vasquez. I'm your Physics teacher."

"Good morning Ms. Vasquez. It's nice to meet you." sabay-sabay na sabi ng buong klase.

"Ok. Since 30 lang naman kayo at 4th years na kayo, I'll give you 20 minutes to arrange yourself alphabetically, alternate boys and girls." sabi niya samin "and the timer starts now."

Nag-umpisa naman na kaming magsitayuan para ayusin ang sarili namin.

Wala pang 20 minutes ay tapos na agad kami.

"Very good my dear students. Now I want you to group yourselves into two and make a bog circle." utos nanaman niya samin."After that gusto kong kilalanin nyo ang bawat isa sa grupo. Kailangan matandaan niyo silang lahat. This is the best way para magkaron kayo agad ng group cooperation at interaction sa bawat isa. Makikilala niyo pa ang mga classmates niyo agad."

"Okay. Simulan niyo na class!" nagsalita ulit ang teacher namin.

Nagsimula nang umingay.. Blah Blah Blah.

Nagsalita naman si Marideth ng malakas. "Okay groupmates ganto gawin natin huh. I'll start sasabihin ko ang pangalan ko then next to the right hanggang matapos sakin ulit. Ok ba yun?"

My Boss Wish is My Command **/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon